"Ano kaya ang lulutuin ko ngayong hapunan?" Mahinang tanong ko sa sarili. Pero bago ko pa maka decide kong ano nga ang lulutuin ko, dapat alamin ko muna kung ano ang mga available na ingredients sa ref. Kaya yun nga ang ginawa ko. Nang makita ko ang laman, napag desisyon kong magluto ng putchero.
Hindi ko maalala kong marunong ako magluto noon. Pero dahil siguro sa kagustuhan ko na magluto ng masarap na pagkain para kay Enzo, nanonood ako ng mga lutuin sa youtube.
Masayang nagluluto ako ng pagkain namin. May pasayaw-sayaw pa ako at pakanta-kanta. Sana magustuhan ni Enzo ang lulutuin ko.
Napangisi ako.
Excited na akong makita ang asawa ko at ipatikim sa kanya ang luto ko. Alam ko kasing busy siya dahil ngayon ang balik niya sa trabaho.
Sa ilang linggo niyang absent, sa wakas, bumalik ulit siya sa pagtatrabaho. Napilit ko na rin siya! Tiyak ako na marami siyang gawain sa pagbabalik niya.
Napangiti ako habang inaalala ang mga nakalipas na linggo. Puro saya ang naramdaman ko. Palagi kaming nag de-date ni Enzo na parang bagong magjowa. Nanood kami ng sine, kumain sa labas at kung ano-ano pa. Atsaka kapag nasa bahay kami, syempre hindi mawawala 'iyon'. Lagi kaming nagtatalik. Wala na yatang part sa bahay namin ang inosente. Napahigikhik ako sa iniisip ko.
Feeling ko, hindi na ako ang Rosario gumising sa hospital na may amnesia. Parang naging iba na ang karakter ko. Noon kasi feeling ko ang inosente ko pero ngayon, parang nahawaan ako ni Enzo sa pagkapilyo niya.
Umiling na lang ako at pinaghusayan ang pagluluto ko.
Tama-tamang naman dahil nang naluto na ang niluluto ko, tumunog naman ang doorbell!
"Enzo!" Masayang sigaw ko.
Mabilis na tumakbo ako para masalubong ang asawa ko pero bago dumiretso doon, sumilip muna rin ako ng mabilis sa salamin para makita ko kung may dumi ba ako sa mukha. Nang masiguro kong wala nga, patakbong pumunta ako sa front door.
Excited na binuksan ko ang front door at napangiti ng malaki nang makita ang asawa ko.
"Mahal ko!" Masayang bati ko kay Enzo. Lumingon sa akin si Enzo at nakangiti rin siya na para bang tuwang-tuwa na nakita ako...
Ngunit nawala ang ngiti ko nang may lumabas sa kabilang pinto ng kotse niya. Isang babae.
Sino to?
Mabilis na tinitigan ko ang babae mula ulo hanggang paa nang nasa may harapan na siya sa kotse at sumunod kay Enzo. Para akong kumain ng ampalaya sa nakita ko. Maganda ang babae at parang sosyal. Halata sa suot niya na mahal ito at ang kinis niya. Kumpara sa akin na nakasuot lang ng sleeveless at isang maiksing short. Tapos hindi pa ako makinis.
"Mahal ko..." malambing na bati ni Enzo sa akin at yinakap ako. Hindi ko siya pinansin kasi nakatitig lang ako sa babae.
Tumingin ako kay Enzo at bumulong ng..
"Sino siya?" Tanong ko kay Enzo.
"Ah..." sabi niya na para bang ngayon lang niya naaalala na may kasama siya. "Mahal..." sabi niya at tumabi sa akin habang nakapalibot ang isang kamay niya sa bewang ko. "Ito pala si Sheryl, inaanak siya ni mama at stock holder ng hospital." Saad niya. "Sheryl asawa ko, si Rosario." Masayang pakilala ni Enzo sa akin doon sa babae.
"Hi, Rosario..." nakangiting bati sa akin ni Sheryl. Pinigilan ko ang noo kong gustong kumunot.
Bakit feeling ko hindi totoo ang pagbati niya sa akin? Feeling ko pinaplastik lang niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/241185860-288-k236255.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
Aktuelle LiteraturAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.