"Bakit ka ganyan makatitig?" Tanong ko sa kanya nang mapansin ko kanina pa siyang titig na titig sa akin.Nasa opisina parin niya kami at umakain kami. May inihanda siyang isang maliit na lamesa para sa aming dalawa lang.
"Ang ganda mo..." nakangiting komento niya. Puno ng paghanga ang mga mata niya.
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya."Thanks..." nahihiyang sagot ko. Akala ko hindi niya napansin. Kasi naman sa daming nangyari kaya akala ko hindi niya mapapansin na nag ayos ako ngayon... Hinawakan ni Enzo ang mukha ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Hmmm...." wika ko nang makita ko na para bang namomroblema siya. "Bakit?" Tanong ko.
"Iniisip ko lang ang mga reaksyon ng mga taong nakakita sa iyo kanina, siguro namangha sila or worst... pinagnasaan ka na lalo na ng mga kalalakihan..." may bahid ng inis ang huling salita ang sinabi niya.
Nagseselos ba siya?
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Enzo naman..." hindi ko sineryoso ang sinabi niya kasi naman baka nag e-exagge lang siya or assuming lang ako. Pero kahit ganoon hindi ko pa rin mapigilang matuwa. Feeling ko ang ganda-ganda ko at mahal na mahal niya ako.
"Nga pala... Paano mo nalaman na ako yung kumatok sa pinto mo kanina?" Tanong ko sa kanya nang maalala ko yun. Nag effort pa naman ako na baguhin yung boses ko, tapos malalaman lang niya pala na ako. May camera ba siya sa labas?
Ngumisi lang siya na para bang nagmamalaki.
"Sinabi ko sa lahat ng empleyado ko na walang mang iisturbo sa opisina ko kundi sisisantihin ko kung sino man ang mang iisturbo sa atin." Sabi niya. Napakurap ako sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko. Ang unfair naman yata noon.
"Kasi kinakabahan ako sa pagdating mo." Agad na sagot niya. "Baka sa sobrang kaba ko, may magbukas ng pinto maibagsak ko yung mga petals tapos hindi pala ikaw yung pumasok. Epic fail pa ang plano ko." Parang batang sabi niya. "I don't want that to happen. Kaya sinabi ko sa kanila yun."
Ngumiti lang ako. Akala mo yun, kinakabahan si Enzo? Kanina kasi sa telepono, excited siya! Iniimagine ko ang mukha ni Enzo habang hinihintay ako, natutuwa ako. Dapat pala, nagtagal pa ako.
Napatitig ako kay Enzo. Ang lalaking to. Kahit yata anong gawin niya, ang gwapo-gwapo niya sa paningin ko.
"Nga pala Enzo, bakit ba dito ka nag propose?" Nag init ang pisngi ko ng maalala ko yung ginawa niya. Sabi niya pa kanina, baka bukas, magpaplano na kami sa kasal namin. Sabi pa ni Enzo na dapat ngayong end of the month matapos yung pagpa plano ng kasal namin. Para next month kasal na. Ang bilis!
Natigilan si Enzo sa tanong ko. Kumakain kasi siya. Kanina, sinusubuan niya pa ako-nagsusubuan pala kami pero ngayon hindi na. Busog na kasi ako. Gusto ko man siyang subuan, sabi niya wag na. Baka daw hindi siya mabusog dahil sinusubuan ko siya.
"Hmm... Bakit nga ba..." nakangiting wika niya at parang inaalala ang rason.. "To sum it all, dito nagsimula ang love story natin. Sa hospital namin." Hinawakan ni Enzo ang kamay ko. "Dito kita tunay na nakilala. Dito kita nakita ulit. Kaya kung hindi dahil sa lugar na to hindi kita maliligawan, magiging girlfeiend at higit sa lahat magiging asawa... Malaking bahagi ng buhay natin ang hospital namin." nakatitig si Enzo sa mga mata ko habang sinasabi yun.
Biglang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
Gusto kong maalala ang sinabi niya. In fact gusto ko ng gumaling. Gusto ko ng makaalala.
"Sana maalala ko na yun." Malungkot na sabi ko. Lahat. Gusto ko maalala lahat.
Ngumiti lang si Enzo at nagbaba ng tingin. "Maaalala mo rin..." mahinang wika niya.
"Sana..." segunda ko pa. Pinisil ko ang kamay ni Enzo na may hawak sa kamay ko nang may ideyang pumasok sa utak ko. Tumingin ulit sa akin si Enzo."Enzo pwede ka bang magkwento tungkol sa akin o sa atin noon?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung paano kami nagkakilala ni Enzo. Baka may maalala ako.
Bumahid sa mukha ni Enzo ang pagkataranta.
Baki-
"Baka sumakit ang ulo mo-
"Okay lang. Kakayanin ko." Putol ko sa sasabihin niya. Akala kong ano ang sanhi ng kaba niya. "Gusto ko lang talaga malaman." Assure ko sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang itsura niya. Mukhang ayaw niya pa rin kaya ginamitan ko siya ng pagpapaawa. "Please..." sumamo ko sa kanya.
Huminga ng malalim si Enzo at tinitigan ako. Hindi epektibo? Ang pagpapanggap kong lungkot-lungkutan ay tuluyang naging malungkot.
"Enzo kapag mag trigger ang alalaala ko at sumakit ang ulo ko, promise sasabihin ko at titigil na tayo..." sabi ko para pumayag siya sa gusto. "Gusto ko lang talaga kasi na malaman kong paano tayo nagkakilala." Dugtong ko pa.
"Fine..." suko niya. Napangiti ako. "Pero lipat ka dito sa lap ko." Biglang anas niya. Ha?
Tumingin ako sa mukha niya. Bakit kailangan ko pang umupo doon? Na sense niya sigurong wala akobg planong lumipat kaya tumayo si Enzo sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang kamay ko at giniya niya akong tumayo tapos naglakad kami para umupo sa malapad na sofa ng opisina niya. Una siyang umupo tapos pinasunod na pinaupo sa lap niya pa sideways.
"Enzo..." sabi ko nang pinahawak niya ang isang kamay ko sa leeg niya at isa naman ay hawak ng dalawang kamay niya na nasa lap ko.
Tumingin ako sa mga mata niya at ang nakita ko lang doon ay ang mukha ko.
"Una kitang nakita sa isang larawan." Mahinang sabi niya at tinitigan ang buong mukha ko.
"Sa isang larawan?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya at umangat ang isang kamay niya. Hinaplos niya ang mukha ko ng puno ng pagmamahal. Parang sa paghaplos niya sa mukha ko, inaaalala niya yung mga nangyari noon.
"Tapos?" Tanong ko. Baka kasi nakalimutan ni Enzo na hindi pa siya tapos sa pagkukuwento.
Nakita ko ang pagngiti niya at magsasalita ulit sana siya ng tumunog ng malakas ang telepono ni Enzo na nasa lamesa niya.
Napatingin ako doon sa telepono.
"Tsk." Rinig kong sabi ni Enzo. Tumingin ako sa kanya pero nagulat ako na dilat na dilat ang mga mata niya habang nakatingin sa telepono.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit?" Kinakabahan kong tanong.
"Hospital phone ko yung tumutunog." Sagot ni Enzo. Nanlaki ang mga mata ko at tumayo agad. "Sagutin mo na!" Dugtong ko.
Kunot noong tumingin siya sa akin. "Pero.."
"Enzo!" Inis na sabi ko. Mas uunahin pa niya ako? Diba alam ng mga tao na busy siya pero kahit ganoon tinawagan pa siya gamit ang hospital phone niya kaya ibig sabihin noon na napakaimportante ang tawag na yun!
Huminga siya ng malalim at tumayo para sagutin yung phone.
"Hello." Kalmadong sagot ni Enzo pero yung itsura niya inis na inis. Pero nanlaki ang mga mata niya habang nakikipag usap sa kabilang linya.
"Okay papunta na ako!" Mabilis na sabi niya at binaba ang telepono niya. Sinuot niya ang lab gown niya at tumingin sa akin. "Mahal, bababa muna ako, emergency!" Sabi niya.
"Okay. Good- naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa labi.
"Good luck kiss ko!" Nakangiting wika niya at umalis sa harapan ko. Napahawak ako sa labi ko habang minamnam ang halik na binigay sa akin ni Enzo. Napangiti na lang ako at tiningnan ang singsing ko.
"Parang sira..." kinikilig na wika ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
General FictionAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.