"Mahal..." bati agad ng nasa kabilang linya. "Nasaan ka na?" Malambing na tanong ni Enzo sa akin.
Napangiti ako sa kanya. Hindi ko alam kong ilang beses niya akong tinanong ng ganoon.
Alam kong dapat mainis ako pero hindi eh. Natutuwa ako.
"Nandito na ako sa may entrance ng hospital niyo..." sagot ko.
"Talaga!" Excited na sabi niya na nagpatawa sa akin. Feeling ko kung nakaupo si Enzo sa isang upuan, napatayo ito sa sobrang excitement niya. Hay naku, Enzo. "Sige! Sige! Mahihintay na ako rito!" At pinatayan ako ng telepono.
Tumingin lang ako sa screen ng telepono ko. Para namang hindi niya alam na pupunta ako dito. Eh siya nga ang nagpapunta sa akin. May naiwan kasi siyang files sa bahay at gusto niyang ipahatid sa akin sa hospital niya...
Napanguso ako. Feeling ko sinadya niya ang pag iwan ng gamit niya para pumunta ako rito. Lagi niya kasi akong kinukumbinsi na sumama ako sa kanya pero tumatanggi ako. Baka kasi wala siyang magawang trabaho kapag nandoon ako sa opisina niya.
Huminga na ako ng malalim at pumasok sa hospital. Nang makita ako ng guard, tumitig siya sa akin. Akala ko tatanungin niya ako na kung ano pero nginitian lang niya ako. "Good morning ma'am!" Masayang bati niya at lumapit sa akin. Hindi niya ba ako tatanungin kung anong sadya ko sa hospital? Kilala niya ba ako? Hindi kasi ito yung guard na nag duty noong lumabas ako rito sa hospital at noong naadmit ako. Kung ganoon... Nakagat ang labi ko. Syempre kilala niya ako! Hindi ko maitago ang saya ko. Kasi ibig sabihin lang noon, alam nila kung sino ako! Asawa nga ako ni Enzo diba?! Kaya siguro maraming beses na akong nakabisita rito at nakilala niya ako! Napangiti ako. "Ako na po ang bibitbit ng dala niyo..." wika niya.
Umiling lang ako.
"Huwag na." Magalang na sagot ko. Giniya niya ako papasok sa hospital. Nagpasalamat ako. Feeling ko VIP na VIP ako rito. Syempre, asawa ko may ari nito!
Nang makapasok ako sa hospital tumingin sa akin ang mga staff at employees ng hospital. May iba ring mga patiente at mga taong nasa lobby ang napatingin sa akin.
Naasiwa tuloy ako.
Bakit sila nakatingin sa akin?
May mali ba sa mukha ko?
Oh baka naman dahil sa kolerete sa mukha ko o sa suot ko. Nag ayos kasi ako. Inilugay ko lang ang mahabang buhok ko.
Napalunok na lang ako at naglakad ng normal papunta sa elevator. Narinig ko ang pag singhap ng mga lalaking nurse sa emergency nang makita ako.
Kinabahan tuloy ako.
Feeling ko talaga may kung ano sa mukha ko. Kasi tinitigan nila ang mukha ko tapos yung suot ko.
Hindi ba bagay sa akin ang suot ko? Suot ko ay isang pulang halter top na dress na hindi lalagpas sa tuhod ko. Naka flat sandals lang ako kasi noong itrinay ko yung heels, muntik na akong madapa.
O baka naman makapal lang ang inilagay ko na make up pero sinunod ko naman yung 'natural look' na video tutorial eh...
Pumasok na lang ako sa elevator at nakita ko pa rin ang mga tao ay nakatitig sa akin. Mabilis na sinirado ko yun at pinindot ang floor ng opisina ni Enzo.
"Bakit ganoon sila?" Napatingin ako sa repleksyon ko sa harapan.
Hindi naman masama ang itsura ko ah.... Baka hindi bagay? O di kaya naman feeling ko lang na hindi masama ang itsura ko.. Gusto ko tuloy burahin ang make-up ko. Pero kasi naman naalala ko yung Sheryl na yun. Fashionista siya. Baka nandito siya at magkita kami. Gusto kong ipakita sa kanya na may ibubuga rin ako. Though ewan ko kong akin ang nga ginamit ko. Nasa closet kasi. Atsaka gusto ko rin naman na magpaganda para kay Enzo. Gusto kong makita siyang mamangha sa akin. Iniisip ko pa lang ang reaksyon niya na e-excite na ako!
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
General FictionAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.