Enzo's POV
"Anong nangyayari sa kanya?!" Tanong ko sa doktor ni Rosario na matalik ko ring kaibigan na si Leo.
Kinakabahan ako ng sobra para kay Rosario. Pagkatapos niyang sumigaw dahil sa sobrang masakit daw ang ulo niya, bigla na lang siyang naging tulala habang tumutulo ang mga luha niya 'tapos nawalan siya ng malay.
Ngayon naman, umuungol siya habang nakapikit ang mga mata at makikita mo sa mukha niya na para bang binabangungot siya. Hindi ko naman siya magising-gising.
Hindi ako sinagot ni Leo dahil inaasikaso niya si Rosario. "Nakuha niyo na ba ang BP at body temperature?" Tanong niya sa nurse na katabi niya.
"Yes doc." Sagot nito.
Shit. Kahit na alam kong mabilis ang pagkilos nila Leo, para sa akin, ang bagal pa rin!
"Ahhh..." napatingin ako kay Rosario. Nahihirapan na talaga siya.
"Leo! Do something!" Sigaw ko.
Inis na lumingon siya sa akin. "Kalma. Kumalma ka, Enzo." Madiin na utos niya.
As if kaya kung kumalma ngayon! Yung utak ko hindi ko na makapa. Nakalimutan ko na kung sino ako... na doctor pala ako. Dapat sanay ako sa mga ganito pero... Iba to! Si Rosario na yung nasasaktan!
"Leo-
"Lumabas ka muna sandali Enzo kasi baka sa iyo ko maturok 'tong pampakalma." Madiin na sabi niya. Pero hindi ako kumilos. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ni Rosario. Nasa paanan ako ng hospital bed at tumitingin sa ginagawa nila. "Kayong dalawa..." turo ni Leo sa dalawang nurse na lalaki. "Ilabas niyo ang lalaking 'to."
"Leo-
"Enzo, pinapakaba mo yung mga nurse na kasama ko. Boss ka namin, nakalimutan mo na ba!" Inis na sabi niya habang inaasikaso pa rin si Rosario. I want to commend her calmness pero hindi ako mapanatag.
Nagkatinginan ang dalawang nurse na sinabihan niyang palabasin ako. Makikita ko sa mga mukha nila na nagdadalawang isip na sundin siya. Talagang magdadalawang isip ang mga 'yan! Ako ang boss nila. Kaya ko silang sisantihin. "Don't worry, hindi kayo masisisante. Kaya gawin niyo na ang inuutos ko." Wika ni Leo. "Jai will protect us." Dagdag niya pa.
Tumango lang ang dalawa at lumapit sa akin.
"Sorry Doc Enzo..." sabi noong dalawa at hinawakan nila ako para sana igiya paalis. Hindi na ako nagpumiglas. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. At tama rin si Leo, kailangan ko talagang umalis para maayos yung gagawin nila, baka madistract ko lang talaga sila... Nasa labas lang ako ng kwarto ni Rosario naghihintay.
Habang hinihintay si Leo naisipan kong tawagan si Jai para dalhan ako ng damit at para na rin kay Rosario. Nagpadala rin ako ng pagkain at mga bagay na gagamitin namin dito.
Pagkatapos noon ay naupo ako sa may waiting area. I'm trying to calm myself, unti-unti ko namang nagagawa yun pero yung utak ko ay nandoon pa rin kay Rosario.
"Enzo..." napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. I saw Sheryl. Nakatitig siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko sa kanya. May binisita ba siya dito? It's not my concern though.
"May meeting kami kanina dito, tapos nakita kita..." sagot niya. Yeah right. May meeting pala kami tungkol sa expansion ng hospital na ito. Hindi ako pumunta kasi I want to spend my day with Rosario pero ito pa ang nangyari. Hindi ko alam kung sino ang sisihin ko sa nangyari kay Rosario. Bakit ba kasi nangyari to?

BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
General FictionAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.