Ikalabing lima

800 18 0
                                    


"TULUNGAN niyo po ako! Tulong!" Malakas na sigaw ko nang nawalan ng malay si mama habang naglalakad kami sa kalsada.


Siguro dahil sa init ng araw kaya nawalan siya ng malay.

May mga naglapitang mga tao pero walang isa man ang tumulong sa amin. Imbes ay tinitigan lang kami at iba naman ay kinuhanan ng picture o video ang mga nangyari.

Huh?

"Sabi ko tulungan niyo kami! Hindi kunan ng larawan!" Galit na sigaw ko sa kanila.

Ano na bang nangyayari sa mundo?!

"Anong nangyari sa kanya?" rinig kong tanong ng isang babae sa may likuran. May sumagot naman na nahimatay raw ang nanay ko.

May mga narinig pa ako na nakakaawa raw ako. Dapat tulungan daw ako.

Pero kahit isa walang lumapit para tulungan ako!

Kung sana tinutulungan nga nila ako kaysa nakikipagkwentuhan sila sa tabi ko.

Wala man lang ba talagang tutulong sa akin na kargahin ang mama ko para makaupo siya sa isang upuan? Kahit 'yun lang?!

Pinilit kong akayin ang mama ko kahit mabigat siya at nagulat ako ng biglang gumaan si mama. Napatingin ako sa gilid ko, may tumutulong sa akin para kargahin si mama.

Kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino yun.

Nakasuot siya ng itim na belo-wait! Madre!

"Umalis 'yung hindi tutulong! 'Yang mga kumukuha ng larawan o video humanda sa akin! Kakasuhan ko yan kapag nakita ko sa facebook o twitter ang pangyayaring to! Imbes na tumulong kayo, 'yan pa ang inaatupag niyo." Inis na sabi noong madre.

May narinig pa akong nagreklamong babae na maldita raw yung madre. Na pasikat. Na umalis na sila! Aish!

Mga walang respeto.

Kayo nga 'yung pasikat!

"Paupuin niyo muna natin siya dun at bigyan ng space para makahinga..." sabi noong madre. Pinaupo namin si mama sa isang bench at humarap sa mga taong nasa paligid namin. "Ibig sabihin lumayo kayo rito! Lalo na yung walang balak tumulong at gusto lang maging famous sa social media." Sabi niya.

May nakinig sa kanya. May iba naman hindi. May iba naman na sinamaan lang siya ng tingin pero walang pakialam si sister sa kanila.

Humarap ulit siya sa mama ko at hinawakan ang palapulsuhan ni mama.

"Anong ginagawa mo sa mama ko?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Baka pabida lang yan-

"Nurse ako bago naging madre, hija." Madiin na sabi ng madre doon sa nagkomento galing sa mga tsismoso. Nilingunan niya 'yung nagkomento. "Ikaw anong natapos mo?" Pang-uuyam na tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Kakaiba siya sa iniisip ko na madre. Bumalik ulit siya sa ginagawa niya sa mama ko. "Status mo sa FB? Umuwi ka kaya at maghugas ng pinggan sa inyo." Nang-uuyam pa rin niyang sabi. Siniko niya ako kaya natauhan ako. "Paypayan mo ang mama mo." Sabi niya at tsinek ang temperatura ng mama ko. Tinanong niya rin kong ilang minuto na ba nawalan ng malay si mama. Sinagot ko naman.

Mayamaya ay nakita ko siyang umiling.

Kinabahan ako.

May problema ba kay mama?

My Sweet RosarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon