Ikalabing-anim

889 20 2
                                        

Tinigil ko ang sasakyan sa harap ng isang bahay.

Tinawagan ko ang kontak ko kung nakita ba nila si Rosario sa tirahan nila noon sa baryo pero hindi raw umuwi ang asawa ko roon. May pinadala rin akong mga tao para kompirmahin pero hindi pa nila kinukumpirma at habang naghihintay, pinuntahan ko ang bahay na 'to.

Nasa utak ko na baka umuwi si Rosario sa lugar nila ng nanay niya pero malakas ang kutob ko na makikita ko si Rosario rito.

Matagal na rin ng huli akong nakadalaw sa lugar na 'to... Ang huling punta ko ay noong nakapagdesisyon ako na mapasaakin si Rosario...

Malinis ang labas ng bahay. Buti na lang at may binayaran akong tao para panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay nila Rosario.

Tuluyan ng lumabas ako sa kotse at tinitigan ang kabubuan ng bahay.

Dito namalagi si Rosario at nanay niya nang umalis sila poder ko... at sana nandito nga siya. Sana...

Huminga muna ako ng malalim.

Naalala ko tuloy kung bakit sila napadpad sa lungsod at bakit siya dito tumira...

----

NASAGIP ko silang mag-ina. Pero pagkatapos magpasalamat at yakapin ako ni Rosario, hindi ko na siya nalapitan at nakausap ulit. Dahil sa tuwing lalapit ako kay Rosario, kinukuha ng nanay niya ang attensyon niya tulad na lang ngayon.

"Rosario..." tawag ng kanyang ina. Balak ko sana siyang tanungin kong ayos lang ba ang bahay na nakuha ko para tuluyan nila ngayong gabi. Pinatira ko muna sila sa isa sa mga tirahan ng kaibigan ni papa na malapit sa bayan nila. Wala ang may-ari ng bahay dahil nasa Amerika. Dito ko muna sila pina-stay habang inaayos pa ang kaso na isasampa sa Ka Impeng na 'yun.

Kapag tapos na ang lahat ng problema rito, aalukin ko sila Rosario na sa bahay namin-no! Mali! Doon muna sila sa bahay na bibilhin ko titira. Naisip ko na kasing maging independent, ngayon-ngayon lang. Kaya kailangan kong bumili ng bahay-sariling bahay ko.

"Kumusta? Okay lang ba ang bahay? Pansamantala lang naman 'to eh habang inaasikaso ng abogado ko ang kaso ni Impeng." Wika ko. Bahala na kung sino ang sumagot. Swerte na lang kong si Rosario ang sumagot sa mga tinanong ko.

"Ahmm..."

"Komportable naman ang bahay." Sagot agad ng nanay ni Rosario kaya hindi kasagot ang dalaga. "Salamat hijo, pero gusto na muna naming magpahinga ni Rosario." Dugtong ng ina niya. May himig pa sa boses niya na para bang pinapaalis ako.

Wow.

Baka nakakalimutan niya na ako ang sumagip sa anak niya? Sa kanila?

Huminga ako ng malalim.

Tumango na lang ako.

Kahit na naiinis ako, naiintindihan ko naman ang nanay ni Rosario. Nagiging maingat lang siya dahil minsan na siyang nagtiwala sa isang taong nag-alok ng tulong sa kanila pero anong ginawa.

Muntik ng mapahamak ang kanyang pinakamamahal na anak.

Haysst.

Nararamdaman siguro ng nanay ni Rosario na may ulterior motive ako sa pagtulong sa kanila.

Hindi man ganoon parehas kay ka Impeng ang gagawin ko-teka. Hindi nga ba?!

Hindi no!

Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakahamak ni Rosario!

Napailing na lang ako.

Bilib din talaga ako sa instincts ng mga babae.

Nagpaalam ako sa kanila na uuwi na muna. Pero ang totoo doon lang ako mag s-stay sa malapit na hotel para malapit lang ako sa kanila. Iniwanan ko pa sila ng isang cellphone para kung may kailangan sila, isang tawag o text lang nila, nandoon agad ako.

My Sweet RosarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon