"ENZO, pasensya na sa ginawa ko ah..."
Napabuntong hininga ako matapos kong sasabihin 'yun.
Nag papraktis ako sa dapat na sabihin ko kay Enzo.
I know na offend ko si Enzo sa 'pagtanggi' o 'pagtulak' ko sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nasa harap ng salamin nag papraktis ako sa dapat na sabihin ko sa kanya. Nagluto rin ako ng pagkain para sa kanya. Pang peace offering.
"Enzo gusto ko ang mga halik mo-" napatigil ako dahil sa sinabi ko. Ah... Hindi ba tunog malandi ang linyang yun? Para kasing ang landi ko. Pero mag-asawa naman kami kaya okay lang siguro yun... Tingin ko...
Napalunok ako.
Okay. Final! Hindi siya malaswa! Mag asawa naman kami ni Enzo eh!
Hinanda ko ulit ang sarili ko sa linyang sasabihin ko kay Enzo.
"Enzo, I'm sorry sa ginawa kong pagtulak sa yo." Sabi ko. "Gusto ko ang halik mo. Promise! 'Yun nga lang...
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Biglang lumitaw ang isang alaala ng isang lalaking may pangalang Ka Impeng at ako na may ginagawang hindi maganda.
Bata pa ako sa alaalang kong 'yun.
Nasa isang bahay kami na mula pagkagising ko, hindi ko pa nakita.
Nagmamakaawa ako sa kanya-kay Impeng sa panaginip na yun na 'wag niyang gawin 'yung gusto niyang gawin sa akin...
Napakunot ang noo ko.
Pagkatapos noon, anong nangyari?
Nagtagumpay ba si Ka Impeng sa gusto niyang gawin sa akin? O hindi? Wala na kasi akong maalala-Alaala ba talaga 'yun?
Sinabi kasi sa akin noong doctor noon na hindi lahat ng makikita ko o maalala ko, alaala daw. Minsan mga panaginip.
Pero bakit naman ako mananaginip ng ganoon?
Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Kainis! Pinipilit ko na naman ang sarili kong alalalahanin lahat. Sabi kasi ni Enzo 'wag ko daw pilitin ang sarili kong makaalala baka daw imbes na makaalala ako, mawala daw lahat ng alaalang nakalimutan ko.
Tumingin na lang ako sa salamin na nasa harapan ko.
Kaya ko ba yung sabihin kay Enzo? 'Yung rason kung bakit naitulak ko siya?
I can't. Pero kung hindi ko sasabihin sa kanya, hindi ako mapanatag.
"Enzo, I'm sorry sa ginawa ko." Wala sa sariling sabi ko. "Ang hina ko." Dugtong ko. "Dahil dun..." dahil sa naaalala kong 'yun... Natulak kita. Pero gusto ko talaga ang mga halik mo. Tingin ko 'yun ang pinakamatamis na halik..." napakurap ako sa mga sinabi ko.
Ano bang pinagsasabi ko?!
Napahawak ako sa pisngi ko.
Ang init!
May kalandian ba ako noon?!
Oh God!
Mabilis na umiling-iling ako. Hindi!
Wala lang ako sa sarili ko kaya nasabi ko!
Mabilis na kinuha ko ang pagkain na ibibigay ko kay Enzo.
Muntik ko ng maibagsak ang dala kong pagkain nang lumingon ako, nakita ko si Enzo, nandoon sa hamba ng kusina at nakatingin sa akin.
Oh God!
Nakita ko ang pagngisi niya pero agad namang sumeryoso.
Sana kainin na ako ng lupa ngayon!
Narinig niya ba ang sinabi ko?! Lahat-lahat?!
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
Художественная прозаAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.