Ikalabing walo

793 21 0
                                        


"ROSARIO..." tawag niya sa pangalan ko. Nasa isang parke kami at namamasyal.

"Bakit... Enzo?" Uminit ang pisngi ko ng bigkasin ko ang pangalan niya.

Hindi ako sanay na magsambit ng first name ng lalaki o kahit babae. Sanay ako na last name atsaka ano pa, boss ko siya. Dapat nga Doc ang tawag ko sa kanya. Pero sinabi niya sa akin na dapat Enzo lang ang itawag ko sa kanya. Hindi sir, hindi doc at huwag ko siyang i-po-po.

Humarap siya sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magkasulubong ang titig namin. Napahawak ako sa dibdib ko. Napapansin ko, nangyayari 'to kapag tinitigan ako ni Enzo o di kaya kapag magkasama kami. Hindi ko naman ito nararamdaman noon, ngayon lang. At hindi ko kayang pigilan at hindi ko maipaliwanag bakit ganito.

"Gusto kita."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala.

Gusto niya ako?

Tama ba ang rinig ko?

O dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, mali ang pagkakarinig ko?

"A...no?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Hinawakan ako ni Enzo sa magkabilang balikat ko at tumingin siya sa mga mata ko. Punong-puno 'yun ng emosyon. "Gusto kita at gusto kitang ligawan." Seryosong wika niya.

"Doc... ano kasi..." hindi ko alam ang gagawin ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ano? Mag-isip ka ng isasagot, Rosario. "Hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay..." kinakabahang sagot ko. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. "Atsaka nangako ako kay sister Mimi na magtatapos muna ako sa pag-aaral ko bago ako pumasok sa mga ganyan." Mabilis na dugtong ko. Natataranta na ako. Gusto kong tumakbo palayo.

Ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganito... I mean may mga tumutukso sa akin, lalo na sa university na gusto daw ako ni ganito at liligawan niya daw ako pero wala namang nangyari... Napalunok ako.

"Maghihintay naman ako." Paninigurado niya sa akin. Huh? "Maghihintay ako kung kailan handa ka ng pumasok sa isang relasyon..." wika niya at nginitian ako. Napangiti ako.

"Talaga?" Masayang tanong ko. Huh? Masaya ako? Natigilan ako. Eh?! Bakit ganoon ang reaksyon ko?!

"Parang sa tono mo, may pag-asa ako sa 'yo ah." Tukso ni Enzo. Agad na uminit ang pisngi ko at napanguso.

"Ang kapal ah!" Inis na sabi ko at inirapan siya. "Bastedin kaya kita!" Dugtong ko pa. Inirapan ko ulit siya. Ano, natuwa lang ako sa sinabi niya! Bawal bang maging ganoon! Masyado naman siyang judgmental. Natuwa lang talaga ako dahil sa unang pagkakataon may nanligaw talaga sa akin hindi yung palipad hangin lang, at sabi niya pa, kahit tumanggi ako, hindi siya susuko sa panliligaw sa akin... Kung ganoon gusto niya talaga ako... Gustong-gusto.

"Biro lang!" bawi ni Enzo. Takot na takot pa ang boses niya. Napangiti ako.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun at nakita ko ang pangalan ni sister Mimi sa screen. Siya yung tumatawag sa akin. Sinagot ko 'yun.

"Ibigay mo kay Garcia." Agad na sabi niya. Eh? Hindi man lang ako binati. Tapos si Enzo agad ang hinahanap!

Kahit naguguluhan, sinunod ko siya. Baka may importanteng na sasabihin si sister kay Enzo. Seryoso kasi ang boses niya. "Gusto kang makausap ni sister Mimi." Sabi ko at binigay ko sa kanya ang telepono na tinanggap niya. Bago pa magsalita si Enzo pinakiusapan ko siya...

My Sweet RosarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon