Ikalabing siyam

989 17 0
                                    

"PWEDE ko bang malaman ang nasa isipan mo, mahal ko?" Malambing na tanong ni Enzo sa akin.

Lumingon ako sa kanya. Napangiti ako ng paglingon ko ay 'yun din ang pagyakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos.

May kinuha siya sa loob ng bahay kaya naiwan muna ako rito sa labas ng bahay namin ni sister. Sinabi niyang hintayin ko siya sa loob ng kotse pero ayoko. May bumabagabag sa isipan ko. Para sa akin, okay na ako. Magaling na. Kaya pwedeng hindi na ako i pa check-up pa pero ayaw ni Enzo. Kaya bago kami pumunta sa doctor para i-check ako, gusto kong malaman ang tanong na nasa utak ko.

Hinawakan ko ang braso ni Enzo na nakapulot sa akin at doon kumuha ng lakas ng loob.

"Enzo, gusto kong malaman ang mga nangyari sa akin." Mahinang saad ko. Tinitigan ako ni Enzo na para bang handa-handang sagutin ang lahat ng tanong ko "Ang huling naalala ko ay n'ung sinagot kita." Seryosong saad ko. Lumingon ako sa kanya. "Bakit ako na-hospital?" tanong ko sa kanya. Ito ang isa sa mga tanong ko. May isa pa na kinakatakot ko. Humarap ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti.

Ramdam ko ang pagtigil ng hininga ni Enzo sa tanong ko pero mamaya naman ay hinaplos niya ang buhok ko at bumalik ulit sa paghinga ng maayos.

Kagabi, dala na siguro ng mga nangyari, hindi namin nagpag-usapan ang pagkakadisagrasya ko. Gusto lang namin namnamin ang masayang pangyayari sa amin.

Pero hindi ko na kayang hintayin na maalala ko ang bahaging 'to sa buhay ko.

Hindi ako mapanatag.

Sabi ni Enzo na disgrasya ako pero sa papaanong paraan? Nahulog ba ako sa hagdan? Pero nag-aagaw buhay daw ako sa hospital eh. Kaya...

Huminga ng malalim si Enzo at..

"Hindi ko alam kung tamang sabihin ko 'to sa 'yo ngayon. Tatanungin ko muna si-

"Sabihin mo ngayon din. Hindi ako sasama sa 'yo sa hospital kapag hindi mo sinabi sa akin ang nangyari." Mariing wika ko.

Napalunok siya dahil sa sinabi ko. Nasa mga mata niya na ayaw niya talagang sabihin sa akin pero pinantayan ko naman 'yun ng determinasyon sa mga mata ko. Gusto kong tuluyan ng mawala ang gumugulo sa isipan ko.

Huminga ulit siya ng malalim.

"May bumangga sa 'yong sasakyan. Hanggang ngayon, hindi pa namin nahuhuli ang bumangga sa 'yo." Sukong wika niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 'May bumangga sa 'yong sasakyan.' Sinadyang banggain ako? Hindi aksidente?

"Sino? Sino ang gagawa noon sa akin?" Ah tama! Hindi pa pala nila nahuhuli! Sinabi ni Enzo-

"Si Gian." Naputol ang iniisip ko sa sinabi niya.

Nanlaki muli ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Gian... Isang Gian lang ang kilala ko. "Si Doc Gian?" Mahinang tanong ko. Siya 'yung nanloko sa akin noon. Siya 'yung nakilala namin sa medical mission na sinabing may malubha akong sakit sa puso. Siya 'yung may kasalanan kung bakit nagawa ni mama na magtiwala kay Ka Impeng. Bakit? Anong kasalanan ko para gawin niya sa akin 'yun! Patawarin ako ng Diyos sa iniisip ko pero ako 'yung dapat bumangga sa kanya. Sa lahat ng mga ginawa niya sa akin.

Napaatras ako na muntik ko ng ikatumba buti na lang ay mabilis na dinaluhan ako ni Enzo.

"Mahal okay ka lang ba?" Tanong niya. I don't know pero hindi naman sumasakit ang ulo ko so I think I'm fine.

"Bakit niya gagawin 'yun?" Mahinang tanong ko sa kanya at napaiyak. "Ang laki ng kasalanan niya sa akin, Enzo. Kaya bakit?" Umiiyak na tanong ko. "Ang kapal ng mukha niyang gawin sa akin 'yun! Wala akong kasalanan sa kanya! Siya ang maykasalanan sa akin!" Galit na sigaw ko.

My Sweet RosarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon