Rosario
Isang minuto na nang umalis si Enzo sa opisina niya at tinatamaan na ako ng pagkabagot.
Kanina, kumakain ako noong mga pagkain na natira para malibang pero ngayon, hindi ko na kaya. Kaya ang ginawa ko ay sinuyod ng tingin ang opisina ni Enzo nang nakatayo. Simple lang ang disenyo ng opisina niya.
Hindi ako magaling sa mga disenyo kaya hindi ko alam kung okay lang ba ang disenyo ng opisina niya. Pero kong ako ang tatanungin, okay lang naman. Hindi kasi masakit sa mata.
Lumapit ako sa lamesa ni Enzo. Kanina pa kasi ako kuryuso sa mga frame na nasa table niya. Gusto ko kasi malaman kong may picture kami doon. May apat na frame. Inisa-isa ko 'yun. Isang malaking frame, parang picture yata ng personnel ng hospital. Nakita ko nga si Enzo doon. Feeling ko, bago pa lang to, kasi hindi naman malayo ang itsura nitong picture sa itsura ni Enzo ngayon. 'Yung mga sumunod na frame ay pare-pareho lang ang size.
'Yung isa, feeling ko, family picture nila Enzo. Nakasuot siya ng lab gown, tapos may kasama siyang isang hindi katandaang babae na naka-formal dress at isang lalaki rin na naka suit. Nasa gitna si Enzo at nakangiti sila sa larawan. Napatingin ako sa larawan ng dalawang matanda. So ito ang magulang ni Enzo? Hawig si Enzo sa tatay niya pero nakuha naman niya ang kulay ng balat ng nanay niya. Maganda ang nanay at gwapo naman ang tatay niya pero... Nagtataka lang ako, hindi naikwento ni Enzo ang tungkol sa kanila. Hindi ko pa sila nakikita ah. O nakita ko na sila noon, pero hindi ko lang maalala. Baka nga...
Napabuntong hininga na lang ako.
Sunod namang larawan ay... Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ko doon. Nakasuot ako ng isang puting dress, nakangiti sa isang matandang babae na nakangiti rin sa akin. Napatitig ako doon sa larawan nang matanda. Parang kung ano akong nararamdaman sa puso ko habang tinitigan siya. Ina ko ba siya? Siya ba ang nanay ko? Pero bakit ganoon, sinasabi ng utak ko, hindi siya... So sino tong babae?
Bumukas yung pinto bigla kaya napatingin ako sa may pintuan.
"Hi!" Nahihiyang bati sa akin ng isang nurse. "Ah ma'am sorry, binuksan ko na. Akala ko kasi walang tao..."
Kumakatok siya? Hindi ko narinig.
"Okay lang..." sagot ko.
Ngumiti ng alanganin yung babae sa akin.
Ako naman ay muling tumingin sa mga frame. Partikular doon sa huling frame. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang larawan ko ulit. Yun nga lang ang larawang 'to, napakabata ko pa. Parang nasa edad dose yata ako.
"Ano kasi ma'am. Sabi ni doc Enzo kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa akin." Rinig kong sabi noong nurse pero hindi ko siya pinansin.
Hinawakan ko ang huling frame. Tinitigan ko yun ng mabuti. Ang larawan yun ay parang inalis 'yung mga kasama ko. Kasi kung titingnan parang may nakaakbay sa akin tapos may nakahawak sa kamay ko.
"Wow ang bata niyo po jan ma'am ah!" Nagulat ako nang magsalita yung nurse. Napalingon ako sa gilid ko kasi ngayon ko lang napansin na nakalapit siya at tinitigan rin yung tinitingnan ko. Tumingin sa akin yung nurse at ngumiti sa akin. "Ang ganda niyo jan. Kaya siguro inlove na inlove talaga si Doc Enzo sa iyo..." parang nanunuksong saad niya.
Naibaba ko yung hawak kong frame at tumingin sa kanya.
Ang totoo kasi yan hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon... Yung itsura ko sa larawan at yung itsura kong laging naalala at napapanaginipan ay pareho.
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
Fiksi UmumAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.