Capítulo 09

44 4 0
                                    

Suficiente


My eyes widened when I see her! God! I missed her so much! Marami akong gustong itanong sa kaniya, marami akong gustong sabihin sa kaniya, pero mukhang umismid ata ang dili ko at hindi ako makapagsalita ngayon. Masyado akong pre-occupied nang dahil sa biglaan kong pagkita sa kaniya dito ngayon!

Ilang araw rin kaming naghahanap sa kaniya, at heto siya ngayon... nakangiti na para bang walang nangyari! Don't bitch me this time, Corazon!

"Corazon? For the God's sake! Ilang araw ka na naming hinahanap! Hindi mo man lang sinagot ang mga text messages and calla ko sa'yo! We were so worried about you! Where have you been all these days, huh? God, Cora! Pinag-alala mo kami nang sobra-sobra!" pagalit kong sabi sa kaniya at napahilot na lamang ng aking sentido.

Ikaw ba naman, ilang araw kang namomoroblema. Kulang na nga lang magkaroon ako ng wrinkles sa mukha ko nang dahil sa pag-aalala sa kaniya. S'yempre, takot din naman ako na malaman ito ni Manang Bella.

Gustong-gusto ko siyang bugahan ng galit ko, pero nag-ngiting aso lamang si Corazon sa akin.

"Naka-drugs ka ba, ha?" iritado kong sabi sa kaniya at dumiretso kaagad ako sa maliit na kitchen, para kumuha ng maiinom doon.

Tataas ata ang BP ko sa kalokohang ginagawa ni Corazon, eh.

"I'm sorry, okay? Na-low batt ako," pagdadahilan niya sa akin.

That's actually a shallow reason! Hindi man lang siya naghanap ng ibang paraan para matawagan ako? Hindi man lang siya nag-abalang magpaalam muna bago aalis? Nakakainis lang talaga isipin!

"Corazon, kung na-low batt ka? Gumawa ka sana nang paraan para atleast... ma-contact mo 'ko!" sabi ko sa kaniya.

I heard her sighed. Umupo muna siya sa upuan at tinignan ako ng malungkot. Hindi mo ako madadala diyan sa emosyon mo, Corazon.

"Pagkatapos nating mag-bar, nakita kitang... hawak-hawak na ni Atticus. Gusto ko sanang magpaalam sa'yo, noong gabing iyon pero... hindi ko na nagawa. Gusto ko kasing makalimot, Maia. Sinabi ko sa sarili ko na... mas mabuting magpakalayo-layo muna ako, para naman... makalimutan ko si Milan, makalimutan ko 'yung nararamdaman ko para sa kaniya."

Bigla akong nakaramdam ng guilt. Hindi ko pa naranasan ang magmahal ng seryoso, dahil hindi naman talaga ako nagseseryoso pagdating sa relasyon. Sa laro lang ako magaling, pero pagdating sa isang seryosong relasyon? Hinding hindi ako pwedeng sumugal, dahil alam ko... matatalo lang ako sa huli. Dahil hindi ako sanay, hindi ako naniniwala sa pagmamahal.

I swallowed hard, as I watched her tears slowly falling down to her both chin. Kaagad niya itong pinunasan.

Umawang naman ang kaniyang bibig habang pinipigilan niya ang mapahikbi habang nagku-kuwento sa akin.

"May kaibigan ako... nakilala ko siya through Facebook. Nandito din siya sa Cebu, inaya niya ako ng bakasyon. Three days sa resort na pinagta-trabahuan niya. Mabait siya, Maia. Nag-enjoy naman ako sa munting oras na nabuo ko sa resort na iyon. Umalis ako nang Malapascua, noong gabing iniwan kita. Tatawag na sana ako kaso, naisip ko, baka susundan mo lang ako. Kaya pasensiya ka na kung nagsinungaling ako sa'yong... low batt ang cellphone ko," pagpapaliwanag niya sa akin.

Hinila ko muna ang upuan na katabi lamang ng sa kaniya at lumapit ako nang kaonti, para makausap ko siya.

"Nag-aalala lang kasi talaga ako, Cora. Maiintindihan ko naman kung gusto mo nang space, eh. Pagbibigyan naman kita, hindi kita pagdadamotan dahil may sarili ka ring buhay at mga plano. Pero, sana naman next time magpaalam ka na. Muntik na akong mabaliw nang dahil sa kakaisip kung saan ka nagsuot-suot."

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon