Capítulo 16

33 4 0
                                    

Presenciada


Anger

Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Galit na galit ako sa kaniya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya? I don't know!

Basta, isa lang ang masisigurado ko ngayon, ibubulok ko siya sa kulungan. Ngayon pa ba ako matatakot? Willing ang matandang babae na maging witness! I should've take action on this. Hindi ko palalagpasin ang lahat nang mga ginawa niyang kahayupan sa kapatid ko.

Ilang buwan ko siyang hinanap, naghintay pa kami nang taon... I won't let him escaped, this time.

Kaagad kong tinawagan si Corazon, to inform her that I'm freaking fine.

"Maia, nasaan ka ba, huh?! Kagabi pa kami hanap nang hanap sa'yo, pero hindi mo man lang kami sinasagot."

Nag-aalalang sabi ni Corazon sa akin. I took a deep breath and I bit my lower lip. Dahan-dahan na nagsisituluan ang aking mga luha, kumikirot ang aking puso. Nasasaktan ako!

I shouldn't have trusted him, easily. I shouldn't gave my love for him, easily. Ginamit niya lang ako para makapaghiganti siya. Hindi ko alam kung ano ang problema niya at bakit gustong gusto niya na maghiganti sa'kin.

Ilang beses kong sinabi at pinaalala sa sarili ko na, walang kinalaman ang mga Alcazar sa buhay at pamilya namin. But I was wrong! Si Atticus Alcazar, ang sumira sa buhay nang kapatid ko. Siya ang puno't-dulo kung bakit nawasak ang pamilya ko!

Bakit hindi ko man lang napansin, na siya si A.A!

Atticus Alcazar! Siya ang tinutukoy na boyfriend ni Ate Maxine. Walang duda, siya talaga!

"I'm fine, Corazon. Cora, I have a favor," pinilit kong maging masigla para hindi mahalata ni Cora na galing ako sa pag-iyak.

"Ano naman 'yun? Hoy, huwag mo nga akong pinapakaba, Maia."

Kinakabahang sabi ni Cora sa kabilang linya.

I promise to myself. I'll put you in jail, Atticus Alcazar. Kaya pala may kakaiba sa'yo na parang... hindi ko talaga magustuhan.

"I want you to look Atticus, after him. Bantayan mo siya, huwag mo siyang hayaan na mawala sa mga paningin mo. Alamin mo rin, kung saan siya pumupunta o kung sino ang kasama niya."

Natigilan naman si Corazon sa kabilang linya at para bang pino-proseso pa ang lahat nang mga sinabi ko.

"Maia, bakit?"

Napapikit muna ako, bago ko siya sinagot.

"Just do it, Corazon."

Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong humarap sa babaeng matanda at nakita ko naman siyang umiiyak.

"Sa wakas, hija. Mabibigyan na rin nang hustisya ang namatay mong kapatid."

Unti-unti na lamang akong tumango sa kaniya. Kailangan kong makausap ang abogado namin, without Kuya Milan.

Gusto kong gawin ito nang hindi nila nalalaman. Gusto ko na kapag nalaman nila ito, sa mismong pagdakip na kay Atticus. Tatawagan ko ang abogado namin na humawak sa kaso ni Ate Maxine. Kakausapin ko rin ang mga awtoridad, tungkol rito.

"Babalik po ako nang Manila. Hindi ko po sasabihin sa kanila na aalis ako. Kailangan kong makausap ang abogado namin, kailangan kong aksyonan kaagad ito."

Pagpapaliwanag ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumayo at niyakap ako.

"Hanga ako sa pagiging matapang mo, hija."

"Matagal na panahon na akong naghahanap nang hustisya. Ngayon pa lamang ako matatahimik. I'll make sure, he'll pay for this. Hindi ko siya hahayaan na mamuhay nang mapayapa, habang ang kawawa kong kapatid ay nalulunod pa rin sa galit at sakit na nararamdaman."

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon