Capítulo 21

36 3 0
                                    

Ascensor

Kaagad kong dinarama ang hanging nagmumula sa kalangitan. Pinagmasdan ko ang kagandahan nang araw, kumikinang ito na parang krystal.

It's already 4 pm in the afternoon. Kalalapag lamang nang eroplanong sinasakyan ko. It was a long ride. Nakakapagod.

Kaagad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Mama. Sinabi niya sa aking susunduin niya daw ako sa airport, pero bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

Tinanggal ko muna ang aking sunglasses at inilugay ko ang aking buhok. Umalon naman ito sa aking likuran. Pinagmasdan ko rin ang ibang mga passengers na abala sa kanilang mga bagahe. I didn't bring all my clothes, may plano pa kasi akong bumalik sa New York, eh.

Lily wants to communicate with me through skype, dahil paniguradong ma-mi-miss niya raw ako. I'm fine with that, though.

Bumuntong hininga ako at naghintay pa ako nang mga sampung minuto. Hanggang sa makita ko ang pamilyar na sasakyan ni Kuya Milan.

My jaw dropped when he parked his car and went out.

Nanlaki ang aking mga mata. Kuya Milan, changed!

Mas lalo itong gumwapo at tumangkad, matipunong-matipuno ang katawan. Kamusta na kaya sila ni Corazon? Gusto ko tuloy maki-isyuso sa kanilang relasyon.

Kuya smiled at me and he hugged me so much. Yumakap na rin ako sa kaniya pabalik at napapikit ako. God! I missed them so much.

"Maia, how are you?" nakangiting pagtatanong ni Kuya Milan sa akin.

"I'm great! How about you, Kuya? God! Ang gwapo mo na!" pagpupuri ko sa kaniya at nag-ngiting aso lamang si Kuya Milan sa akin.

Kaagad niyang kinuha ang aking maleta at inilagay ito sa likod ng sasakyan. Pinagbuksan niya rin ako ng passengers seat at kaagad akong pumasok doon.

"God! Na-miss ko talaga ang Manila!" sabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga malalaking pictures na nasa building, ang mahabang traffic. Walang ganito sa New York.

Atsaka, isa pa. Trabaho naman ang inuwi ko rito, nothing else.

"Mama and Papa missed you too. Mama want to throw a party with you, kaya lang tinanggihan mo. Kaya simpleng dinner nalang," ani Kuya Milan habang sa daan lamang nakatingin ang   buong atensyon.

"I already told, Mama. Ayoko nang magpa-party. A simple dinner will do," sabi ko sa kaniya.

Nang bigla kong naalala 'yung sinabi niyang trabaho sa akin noon.

"Kuya, by the way. Available pa rin ba 'yung offer na inalok mo sa akin? Five years ago? That you want me to the editor in chief, sa kompanya natin."

Kumunot naman ang noo ni Kuya Milan, bago niya ako sinagot.

"You want to work in our company? Of course! Available pa 'yun, s'yempre tatanggapin kita. You're a San Diego, anak ka rin nila Mama at Papa. May karapatan ka sa kompanya."

Naabutan kami nang traffic ni Kuya Milan, kaya na stuck muna kami dito sa EDSA.

"But you're the president. Of course, sa iyo manggagaling ang desisyon, Kuya."

Nilingon naman niya ako at pinanliitan ng mga mata.

"Hindi mo na kailangang mag-trabaho sa ibang kompanya, Maia."

So, hindi ko nalang tatanggqpin 'yung in-offer nang boss sa akin, kung bakit kailangan ko pang umuwi dito. Simula ngayon, sa San Diego Real State Company na ako mag-ta-trabaho.

Okay lang sa akin na magsimula ako sa umpisa, basta ba malaki ang maitutulong nun sa akin.

"Kuya, kamusta na kayo ni Corazon?" pag-iiba ko nang usapan sa pamamagitan nang aking pagtatanong.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon