Capítulo 05

42 5 0
                                    

Nosotras no sabemos

MAXIMA's POV


Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung... saan ako magsisimula. Kung saan ko ba dapat hanapin si A.A. Malaki rin ang Malapascua, dalawang taon na rin ang lumipas.

Paano kung... wala na 'yun dito? Paano kung... natakot siya at nagtago na lamang. Sana... sana nagsasabi ng tooo si Ate Maxine, na kasama niya si A.A sa gabing iyon. Bago nangyari ang trahedyang iyon. Ang mensahe lamang niya ang nagpapalakas ng aking loob, kung bakit hanggang ngayon... ay hindi ako mapakali hangga't hindi ko nahahanap ang A.A na kasintahan niya!

Sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari, ay hindi mapigilan ng aking puso ang kumirot. Ate Maxine is one of the most important person in my life. She's my sister, tapos... naaawa ako dahil... hindi man lang kumilos ang aking mga magulang sa paghahanap ng hustisya.

Ilang araw na rin ang nagdaan, simula noong humingi ako ng kapatawaran kay Atticus, ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Noong araw na iyon.

Pagkababa namin sa bangka, ay kaagad siyang umalis na para bang nakakahawa akong sakit at hindi dapat ako lapitan.

I don't want to be near in him, either. I don't like boys like him. Masyado siyang strikto, masyado siyang seryoso, at higit sa lahat? He's moreno! Hindi man lang siya nakapasa sa standards ko para sa isang lalake.

Napatingin naman ako sa wrist watch. Pasado alas onse na pala ng gabi. Hindi kasi ako makatulog, kaya... lumabas muna ako at pumuntang veranda para makapagpahangin.

The cold wind embrace myself. Mabuti na lamang at nakapang-long sleeve ako pang hanggang hita. Nasanay na rin kasi ako na ganito ang suotin tuwing matutulog ako. Mas komportable kasi ako kapag ganito ang aking sinusuot.

As I watched the bunch of stars, sparkling like a diamond crystals. Napaka-ganda nitong tignan, ito ang nagdadala ng liwanag sa buong Malapascua. Hindi naman siguro uulan bukas, dahil marami ang bituin na lumabas ngayon. Well, it's a fact... kaya naniniwala ako doon.

Simabi pa nga ni Manang Bella sa amin noon na... kapag lumaki raw ang middle eye ng pusa, 'yung color black, ibig sabihin... high tide, kapag lumiit naman ito, low tide.

Tumatak iyon sa aking isipan. Kapag interesting kasi ang isang bagay, o salita. Hindi ko iyon kinakalimutan.

Inilibot ko muna ang aking paningin sa kabuuan ng isla at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may gumalaw mula sa dagat! Awang ang aking bibig habang tinititigan ko nang mabuti ito. Wala nang mga tao, dahil paniguradong tulog na sila. Ang iba naman, siguro, nag-ba-bar. Hindi ko siya masyadong makita dahil malayo ang distansya, kaya kailangan ko pang umalis ng veranda para makita kung ano 'yung gumagalaw galing sa dagat.

Hindi naman siguro 'yun isda. Curious lang kasi talaga ako, eh. Bilog na bilog ang buwan, kaya kitang kita ko.

Dahan-dahan muna akong lumabas ng aming kwarto ni Corazon. Mabuti na lamang at narinig ko ang halikhik ni Cora, ibig sabihin... napaka-himbing na ng kaniyang tulog. May dalawang tao pa sa reception area at nginitian naman nila ako bago ako tuluyang lumabas.

Kaagad kong niyakap ang aking sarili nang dahil sa lamig na sariwang hangin na nagmumula sa karagatan at kaagad na niyakap ang aking katawan.

Unti-unti akong lumapit sa dagat. Tanging tunog lang ng naglalakasang alon ang aking naririnig, isama mo na 'yung mga little insects na tumutunog kapag gabi.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang biglaang pag-ahon ng isang lalake! Muntik na akong maduwal sa aking kinatatayuan, pero hindi ko ito pinahalata.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon