Capítulo 03

51 5 0
                                    

Avergonzada


Kaagad naman kaming sinalubong ng isang trabahante ng hotel na tutuluyan namin ngayon ni Corazon.

"Dito po, Ma'am."

Sabi ng isang lalakeng nakapang-uniporme.

May dalawang lalake pa sa aming likuran at sila ang nagdala ng aming mga gamit.

Inilibot ko naman ang aking mga mata sa kabuuan ng Malapascua.

May nakahilerang mga nagtataasang niyog sa gilid at may mga cottages din. May mga resorts din na sa tingin ko'y pagmamay-ari ng mga Fernandez. Yes, of course I know them.

Fernandez Construction Firm is a powerful empire business in the whole wide world. Pero balita ko, 'yung panganay na anak ni Mr. Fernandez Sr. ay gumawa ng sarili niyang pangalan.

Kaagad naman kaming nakarating sa reception area at sinalubong naman kami ng isa sa mga manager ng hotel.

"Good afternoon, Miss Sandiego!" maligayang pagbati nito sa akin.

Their uniforms here are unique and beautiful.

Tumango lamang ako sa kaniya at pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng maliit na hotel. Ang espasyo ng reception area ay tama lamang. Sa itaas ng dingding ay nakaukit ang Alcazar's Home.

Sino sila? Akala ko ay pagmamay-ari ng mga Fernandez ang lahat nang mga resorts and hotels dito, but who's Alcazar, anyway?

Nevermind.

Sa gilid naman nito ay ang waiting area. Expensive couch are on there right places. Sa gitna naman nito ay isang mamahaling mini-table. Sa magkabilang gilid ay ang mga mamahaling malalaking vase.

Napaawang naman ang bibig ni Corazon at katulad ko rin ay manghang-mangha habang pinagmamasdan ang kabuuan ng hotel nila.

Mabuti na lamang at kaagad nilang ibinigay sa amin ang aming keycard. Even though, the hotel is not that big, but I'm pretty sure. The materials and their suites can satisfied their customers. Kaagad kong idinikit ang keycard sa pintuan ng aming magiging kuwarto ni Corazon.

Yes, we're on the same room. Deluxe ang kinuha ko.

Two large white bedrooms with lampshades side by side in our beds.

Sa harap naman nito ay ang malaking television.

Kaagad namang tumihaya si Corazon sa isang kama at malakas na bumuntong hininga.

"Kapoy!" 

Sigaw niya habang nakapikit ang mga mata.

Natawa na lamang ako sa kaniya at inayos ko nalang muna ang aking mga gamit.

Translation: "Pagod!"

Nag shower muna ako para matanggal ang init na dumikit sa aking balat kanina. Mabuti nalang talaga at nagdala ako ng mga floral dress at mga bohemian style. Siguro, yayayain ko si Corazon mamaya maligo pag hindi na masyadong mainit.

Pagkatapos kong mag-shower ay inaya ko na siya na lalabas muna kami para kumain. Pumunta kami sa isa sa mga masasarap na restaurant dito sa Bantayan.

The fancy restaurant looks so artistic. With their creative and natural structural designs. Sa dingding nila ay may mga iba't-ibang mga klaseng disenyo ng mga frames. And also, their tables are made of woods.

Kaagad naman kaming umupo ni Corazon at manghang mangha rin siya sa kaniyang mga nakikita. Well, actually... I didn't expect this. I thought, Malapascua is just a simple island and plain. But I was wrong, Bantayan is one of the most beautiful island here in Cebu. Totoo nga ang sinabi nila, huwag manghusga basta-basta.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon