Capítulo 19

42 5 0
                                    

Confiar

I woke up having a bad dream. Napanaginipan ko si Atticus... It was very heinous. I don't even remember every details of my dream, pero isa lamang ang sigurado ako. Ang sama nito. Unti-unting nanlalabo ang imahe niya sa aking panaginip, duguan siya at nanghihingi siya nang tulong sa akin. I couldn't move, because I was in pain too.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at kaagad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid. All white, mula sa sahig, sa kurtina. Dahan-dahan akong gumalaw at napakunot ang aking noo nang makita ko ang IV. Masakit pa rin ang aking likod, pero hindi na ito gaya no'ng tumama sa akin ang bala sa gabing iyon.

Umawang ang aking bibig nang makita ko si Kuya Milan, Corazon at Mama na nasa couch. Natutulog silang tatlo, nagising lang si Kuya Milan nang marinig niya ang tunog ng aking paggalaw.

Kaagad siyang lumapit sa akin nang may pag-aalala.

"Maia," he mentioned my name.

Nagising rin si Mama at kaagad akong nilapitan.

"My daughter!" she rant and held my hand with gentle.

"How are you feeling?" pagtatanong ni Kuya Milan sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na iyan. May hinahanap ang puso ko, gusto kong makasigurado na ayos lang siya.

"May gusto ka bang kainin, anak? What do you want?" pagtatanong ni Mama.

I shooked my head and responded.

"I want to go home," mahinahon kong sagot sa kanila at natigilan naman silang dalawa.

Napalingon ako kay Corazon at nginitian naman niya ako.

"Maia, you're not going home. Hindi pa maayos ang kalagayan mo. The doctor needs to check your wounds." ani Kuya Milan habang nakakibit-balikat na nakatingin sa akin.

Pinisil ni Mama ang aking kaliwang kamay at nakita ko ang unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Noong nalaman ko na... na-kidnap ka, anak? Para akong nabaliw, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. I contacted your father and inform him. Sabay kaming pumunta rito sa Malapascua. We were so worried about you. Sinabi sa akin nang Kuya Milan mo ang lahat-lahat."

Kaagad kong iniwas ang aking paningin sa kaniya.

"Kaya ka ba pumunta dito sa Malapascua, dahil... gusto mong mahanap ang taong gumawa nun sa kapatid mo?"

Hindi ako sumagot sa kaniya. Alam niya na rin naman ang magiging sagot ko, eh.

"Nagtiwala ako sa mga Almodovar. I trusted that wicked old witch! Pinaniwala nila akong si Atticus Alcazar ang gumahasa sa kapatid ko, because they're willing to be our witness! Pero anong nangyari? Ginamit lang nila ako para masira ko ang pangalan ng mga Alcazar. Malaki ang galit ni Anton Almodovar sa mga Alcazar. Lalong lalo na sa'tin," my tears slowly fallen.

"Kinidnap ako ni Anton, dahil gusto niyang ako ang magdusa sa mga ginawa ni Papa sa kaniyang ama," nakita ko ang uni-unting pagkunot ng kanilang mga noo.

Alam kong may kasalanan din si Papa dito. And I want him to pay for what he did in the past. Pero hindi lang naman ang ama ko rito ang may kasalanan, eh. May kasalanan rin ang mga Fernandez at Alcazar, dahil pumayag sila sa kagustuhan ng aking ama. Ang itago ang trahedyang nangyari. Kahit pagbalik-baliktarin ko pa ang mundo. Si Papa pa rin ang dahilan. Siguro, kung hindi lang siya naging duwag? Hindi mangyayari ang lahat nang ito. Buhay pa sana ang kapatid ko ngayon. Maayos sana ang mga buhay namin ngayon.

"Maia, what do you mean?" naguguluhang tanong ni Kuya Milan sa akin.

Naghihintay lamang sila nang aking magiging eksplenasyon.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon