Capítulo 08

41 5 0
                                    

Despiadada


Two days had passed. Simula noong nawala si Cora. I am extremely nervous right now! I don't even know what to do, anymore!

The authorities are now finding Cora, including the police and the personage of Mr. Fernandez. But, until now... they still can't find Corazon. We still can't find Cora!

I know, Manang Bella has right to know about what happened to her daughter. Pero, napapangunahan ako ng takot! Napasabunot na lamang ako nang aking buhok at napahinto naman ako sa aking pag-iisip nang magiging solusyon, nang makita kong unti-unting tumutulo ang aking mga luha.

I can't afford to lose Cora. She's my childhood friend, more than that! Para ko na rin siyang kapatid, kahit na medyo may pagka-topak ang utak nun, mabait 'yun at mapagmahal.

This is all my fault!

Nabalik lang ako sa realidad nang makita kong may tumatawag sa phone ko. It's my Kuya Milan. Sa dalawang araw, ngayon lang siya tumawag ulit sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Kahit na sinabi niya sa akin na uuwi siya for Cora, I still can't believe it. Sino ba naman ang maniniwala sa kaniya, hindi ba? He's not in love with Cora. Wala siyang nararamdaman for Cora. Then, bakit niya gustong umuwi? Kahit na nasa gitna siya nang kaniyang pag-ta-trabaho. He wants to go home... for Cora.

"Kuya..." walang gana kong tawag sa kaniya sa kabilang linya.

"I'm already here. Saang hotel ka ngayon?"

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang dahil sa sinabi ni Kuya Milan. Kaagad akong napatayo at napatingin naman ako sa sliding door ng veranda.

Nandito siya?!

"Wait, pababa na ako."

Iyon na lamang ang aking nasabi at nagmamadali naman akong bumaba ng hotel room ko at lumabas.

Kaagad ko namang inilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng lugar.

Umigting ang aking panga nang makita ko ang aking kapatid na lalake.

He's wearing a polo shirt na pang-hanggang siko. Bakat na bakat ang muscles niya nang dahil alagang-alaga ito sa gym. He's also a swimmer, of course.

Bakit mas lalong naging masungit ang pagmumukha ni Kuya? Pero, at the same time, gwapo naman. Kaya pala, hindi kayang mag-move-on ni Corazon nang dahil sa presensiya ni Kuya.

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya at malaman niyang umuwi pa talaga si Kuya Milan mula sa ibang bansa papunta dito sa Cebu, para lang mahanap siya.

Kaagad akong lumapit sa kaniya at nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ako.

"Where's Cora?" salubong niyang tanong sa akin.

Hindi ko mapigilan ang hindi magtaka. Akala ko ba... ayaw niya kay Cora?

Nakakunot pa rin ang noo ng aking kapatid, na para bang sinusuri niya ang magiging reaksyon ko.

"Hindi pa namin siya mahanap, Kuya. Nag-aalala na nga ako," naiiyak kong sabi sa kaniya.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at nagmura ng palihim. Kahit na tinatangay ang mala-kayumangging buhok ni Kuya, ay mas lalo lamang siyang nakaka-attract tingnan.

That's my Kuya Milan Sandiego!

"Damn that woman..." bulong niya sa kaniyang sarili.

"Saan na ang mga gamit mo? Mag-check in ka na sa hotel na tinutuluyan namin," pag-aalok ko sa kaniya.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon