Capítulo 35

41 2 0
                                    

Chance

(I badly want to translate it to Spanish but I am not satisfied the result.)

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kaagad akong napasapo nang aking noo nang bigla itong kumirot.

Dahan-dahan akong bumangon sa aking kinahihigaan at kinusot ko muna ang aking mga mata. Umahon ang kabang aking naramdaman nang makita kong wala ako sa bahay!

Where the hell am I?!

The room filled with black and grey curtains and also the furnitures, ang natatanging puti lamang ay ang kamang aking hinihigaan.

May mga french paintings na nakasabit sa bawat sulok ng pader ng kwarto. I-I really need to get out of here! Wala na akong maalala at hindi ko na matandaan kung paano ako napunta rito!

Ibinaba ko ang aking paningin sa aking damit at mas lalong kumalabog ang aking puso nang makita kong naka-panty na lang ako at nakasuot nang isang polo white-shirt!.

What the the hell?!

Kaagad kong hinanap ang aking purse at cellphone sa bedside table.

Napalingon ako sa may wall clock ng kwarto at nakita kong pasado alas-siete na nang umaga.

Nagmamadali akong bumaba nang hagdanan at napahinto lamang ako nang makakita ako nang bulto ng isang lalake.

He's facing the window, sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang isanv tasang kape at nakapamulsa naman ang isa niyang kamay sa itim niyang pantalon.

Wala siyang damit pang-itaas.

Kaya makikita ko talaga ang bawat segundong paggalaw nang kaniyang magkabilang matipunong katawan.

Ayokong lumingon siya, ayokong mas lalong sasakit 'yung damdamin ko.

Unti-unti ko nang natatanggap na hindi talaga siya para sa'kin.

I bit my lower lip and I slowly walked away from him.

"Stay for a minute," napapitlag ako nang marinig ko ang napapaos pa niyang boses.

Napahinto ako at nanginginig ang aking magkabilang tuhod.

God, Maia! Ang tapang-tapang mo no'ng itinapon mo ang singsing sa gitna nang ulan, pero bakit parang nanlalambot ko sa kaniya ngayon?

Remember everything, Maia. Iniwan ka niya, sinabi niyang magpapakasal siya sa ibang babae! Tapos ngayon, hahayaan mo lang siya na saktan ka at durugin ka ulit?!...

You stupid woman!

"What did you think about me, huh? Pagkatapos mo 'kong paasahin at iniwanan, sa tingin mo ba? Babalikan pa kita?" sagad sa buto ko ang lahat nang aking mga sinabi sa kaniya.

Parang nagbalik sa akin ang lahat-lahat! Okay na ako, eh. Maayos na ang buhay ko no'ng sinabi niyang magpapakasal siya sa iba! Okay na!

Ano pa ba'ng gusto niya?!

Dahan-dahan niyang inilagay sa isang maliit na lamesa ang kape na hinahawakan niya kanina at tinignan ako nang malalim. Isang metro pa rin ang layo namin sa isa't-isa.

"Let me explain everything, Maia."

Napatawa ako nang mala-sarkastiko at kaagad ko siyang sinagot.

"Explain?! I don't need your fucking explanation, Mr. Alcazar! Ayos na sa akin 'yung mga sinabi mo! You want another woman?! Then go! Marry her! Like I wouldn't live without you?!"

Galit na galit kong sabi sa kaniya. Kanina ko pa pinipigilan ang galit na nararamdaman ko. Baka sumabog itong buong building kong dito ko ilalabas lahat nang hinanakit ko mula sa kaniya.

"Maia, hindi ko ginustong gawin 'yun." mahina niyang sabi sa akin.

Natigilan ako at hindi makapaniwala sa kaniyang mga sinabi.

"But still you did it. So, what's the point? Anong pinagkaibahan sa hindi ginusto pero ginawa dahil sa napilitan lang?! You have your own choices, Atticus! But you choose to leave me and made me believe that I'm not enough for you! Maybe... maybe, I wouldn't. And I will never be," marahas kong inalis ang mga luhang lumandas mula sa aking magkabilang pisngi.

Naramdaman ko kaagad ang init nito.

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang aking palapulsuhan. Marahas ko itong binawi sa kaniya at tinignan ko siya nang matalim.

"Don't touch me!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa aking biglaang pag-sigaw sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya na nakahawak sa aking palapulsuhan.

"Maia, let me explain..."

Humarap ako sa kaniya.

"Wala ka na ba talagang ibang sasabihin sa'kin? Oh! Nevermind! Huwag na lang!"

"Kinausap ako nang kapatid mo," umawang ang aking bibig nang dahil lamang sa kaniyang mga sinabi.

"What?"

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga at ang natatanging nakikita ko lamang sa kaniyang mga mata ay sakit at kalungkutan.

"He ask me for a favor. No'ng pabalik na ako nang Caticlan para sundan ka, pinigilan niya ako. Nakiusap siyang... iwasan muna kita sandali, dahil alam niyang hindi ka sasama papunta rito nang dahil lang sa akin."

Umawang ang aking bibig at unti-unting lumakas ang aking paghinga.

"Your life is in danger, Maia. Hindi namin nahuli si Miss Almodovar, ang mga tauhan lamang niya. Kaya ko 'yon nagawa dahil gusto kong protektahan ka. I want to protect you, Maia. I don't care if I will be the one who'll take the pain and sorrows. Huwag lang ikaw," iniwas ko ang aking paningin sa kaniya.

"Gago ka ba?! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Bakit nag-de-desisyon ka kaagad nang hindi nagpapaalam sa'kin?!"

"Aaminin kong... sinadya ko talaga 'yun. Hindi mo lang alam kung gaano rin kasakit para sa akin ang gawin iyon. But, I don't have a choice. Kung hindi ko susundin ang kapatid mo? Ikaw naman ang mawawala sa akin. Titiisin ko nalang ang sakit na aking mararamdaman... kung sakaling magkaroon ka nang iba. Titiisin ko nalang ang lahat nang iyon, kaysa sa makita ko ang katawan mong nakahiga sa isang kabaong. Ayokong mangyari iyon, Maia."

Nakita ko ang pamumula nang kaniyang pisngi at napansin kong nanunubig ang magkabilang gilid ng kaniyang mga mata.

His eyes were also bloodshot.

"I... can't afford... to lose you, again, Maia. Wala na akong pakialam kung mag-umpisa ulit ako, wala akong pakialam sa sasabihin nang iba tao."

Kaagad akong umiling sa kaniya.

Hindi pwede... hindi na tayo pwede...

"Atticus, hindi na pwede. Naiintindihan mo ba 'yun?! Hindi ako tanggap nang pamilya mo!"

His jaw clenched and his brows furrowed even more. Mahigpit na rin ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay.

"Wala na silang magagawa! This is my decision, Maia. Even my father can't stop me from loving you even more! Hindi ako magpapakasal sa ibang babae! Hindi ako magmamahal nang ibang babae! At higit sa lahat... hindi ako lilingon sa iba, para lang palitan ka."

Namilog ang aking mga mata nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan.

No...

No... not again!

Nakita ko ang unti-unting paglandas nang kaniyang mga luha, kasabay nang paglabas niya sa isang kumikinang at mamahalin na singsing.

"Maia, for one last chance. Please... please, love me again. Be with me again. For one last chance... marry me, again. Baby, please..."

Napakagat na lamang ako nang aking pang-ibabang labi.

God!

I can't even help it!

Chance

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon