Capítulo 06

44 4 0
                                    

Desaparecida

Nahihilo na ako sa panonood kay Corazon habang nag-he-head bang na at sumasabay na rin sa bawat beat ng music.

I never knew, ganito pala siya kung dalhin mo sa bar. Wala namang problema iyon sa akin, dahil nandito naman ako.

"Let's dance, Maia!" 

Sigaw sa akin ni Cora habang itinataas pa ang isang kamay na may dalang alak.

This idea, is so wrong!

Napataas na lamang ang aking kilay habang pinagmamasdan siyang ganito sa aking harapan.

"You know what? Umupo muna tayo doon sa may couch!" pasigaw kong sabi sa kaniya nang dahil sa lakas nang tugtog ng music, hindi na kami nagkakarinigan.

So I need to raise my voice higher.

"No! We should dance, Maia!" sabi niya sa akin pero hindi ako nagpatinag sa kaniya at hinablot ko siya papunta doon sa couch na bakante.

Padarag naman siyang umupo doon at tumatawa pa habang sumasayaw kahit na nasa couch na kaming dalawa.

Kaagad naman kaming nilapitan ng isang waiter at hiningi kaagad sa amin ang aming mga orders.

"Juice nalang, for he-" hindi ko naipagpatuloy ang aking sinasabi nang dahil biglang sumabat si Cora sa usapan namin ng waiter.

"Kabalo ka unsay pangalan atong isa ka ilimnom?"

Napakunot naman ang aking noo. Mukhang lasing na talaga ang isang 'to! Hindi pa nga kami nakakalahati.

Translation: "Alam mo ba kung ano ang pangalan nang inomin na iyon?"

"Marami po kasi kaming drinks dito, Ma'am. May cocktail, may black daniels, may margarita, may tequila-" putol na sabi ng waiter sa amin.

"Ah! Oo, tequila, limang baso ng tequila!"

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Corazon sa waiter. Napa-face palm na lamang ako. May problema siguro ang isang ito, kaya siya naglalasing. Kaya pala ang lakas nang loob na mang-aya sa akin na pumunta rito.

Pero, ano naman kaya ang problema niya? This is all about Kuya Milan, na naman?

"Okay, Ma'am. Copy," ani ng waiter bago umalis sa aming harapan.

Kaagad kong nilapitan si Corazon at isinandal naman niya ang kaniyang leeg sa likod ng aming couch.

Bumuntong hininga muna ako bago ko siya kinausap.

"Hey, you okay?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Nilingon naman niya ako at nginitian na para bang libo-libo ang tinatago niyang problema.

"Oo! Bakit naman hindi, 'di ba?" nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

I've known her for years, hindi na niya ako maloloko. Sa ilang taon naming pagsasama sa bahay mula pagkabata, alam na alam ko na kung kailan nagsasabi o nagsasalita nang totoo itong si Corazon.

I cared a lot about her, para ko na rin siyang kapatid. At kapag umaakto siya nang ganito, hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala sa kaniya. Siya nalang ngayon ang natitira kong... Ate.

Yes, she's older than me. Siguro, mga isang taon lang naman.

"Don't lie to me. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at alam ko rin kung kailan ka nagsasabi ng totoo. So, tell me. Anong problema?"

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya, bago niya ako sinagot.

"Tinawagan ko kanina si Milan, noong... kumain tayo ng tanghalian natin. Bumalik muna ako ng hotel at... tinawagan ko siya gamit ang cellphone ko. Kahit na alam kong mahal ang load pang-tawag sa ibang bansa, ginawan ko pa rin iyon ng paraan, para makatawag sa kaniya."

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon