Capítulo 14

40 4 0
                                    


Tener cuidado

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang magtama ang mga mata naming dalawa.

I swallowed hard as I watched his expression. Ganoon pa rin iyon at hindi man lang nagbago. Hawak-hawak niya pa rin ang aking kabilang pisngi at dahan-dahan ko itong tinanggal.

"What's the problem?" napapaos niyang pagtatanong sa akin habang nakatitig pa rin.

I shooked my head as an answer. I don't want him to know my real feelings. Ayokong mambintang! Ayokong maghinala dahil lang sa kwentas na suot-suot niya!

Hindi siya si A.A! No, not my Atticus Alcazar. Hindi ko kakayanin 'yun. Why would he do that? He's a respectable young man, he's rich and powerful. Hindi iyon magagawa ng isang Atticus Alcazar.

"Are you okay?" nanghihina akong tumingin sa kaniya at tumangong muli.

"Let's go. I'll take you home," he said in a husky tone and lift me up.

Nang maibaba na niya ako ay kaagad niyang ipinagsalikop ang aming magkabilang kamay habang papasok sa kaniyang... kuwarto?

"What are we doing here?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Nginitian lamang niya ako at pinahintay lang niya ako sa labas ng pintuan nang kaniyang kuwarto at may kinuha siya sa loob.

Pagkalabas niya mula sa loob, ay may dala-dala na siyang isang malaking long sleeve.

"Sorry, wala akong extrang jacket, kaya, iyan lang muna." ani Atticus habang inilahad naman niya sa akin ang kulay maroon na long sleeve.

Tinanggap ko naman ito, bago ko siya sinagot.

"Nag-abala ka pa. Okay lang," hindi na rin naman ako giniginaw, eh.

Napalingon ako sa kaniyan nang bigla siyang tumahimik. Tinaasan lamang niya ako nang kaniyang kilay.

"I won't let you walk around the street, wearing that kind of bikini," seryoso niyang sabi sa akin, bago niya ako nilagpasan.

Napapailing na lamang ako at kaagad kong isinuot ang damit na pang-hanggang tuhod, habang sumusunod lang ako sa kaniya.

Nang makarating na kami, ay hindi kaagad kami lumapit sa direksyon nila Kuya Milan. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang bigla niyang hawakan ang aking kaliwang kamay.

"Bakit?" pagtatanong ko sa kaniya.

Kinakabahan ako sa tuwing... tinitignan niya ako na para bang may itinatago siya.

"Nothing. I gotta go now. May titignan pa akong mga pending request, at ipapadala ko 'yun kay Papa kaagad." sabi niya sa akin.

Kaagad akong tumango sa kaniya. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin, 'tsaka bumulong.

"Huwag kang papahalik," sabi niya sa akin bago ako hinalikan sa noo.

Napapikit naman ako sa kaniyang ginawa.

Kung ano man 'yung mga nakita ko kanina? Siguro, nag-hi-hysterical lang ako. Hindi ko siya pwedeng pagbintangan dahil wala naman akong sapat na ebidensya. Atsaka, isa pa. Hindi ako naniniwala at hindi ako maniniwalang magagawa niya 'yun. Hindi ko mapapatawad ang sarili at puso ko... kung sakali mang... ganoon ang mangyari sa aming dalawa.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon