Capítulo 13

43 4 0
                                    

Collar


Nanghihina ako, habang unti-unti akong sumasandal sa pintuan ng aking hotel room. Basang basa ako at hindi ko alam kung paano ko pa nakayang... umuwi.

Pagkatapos nang mga sinabi niya sa akin. Pagkatapos niya akong halikan sa aking mga labi. Kung paano niya sabihin sa akin... na hindi niya ako pwedeng magustuhan. I can't understand him! I can't even process anything he said to me earlier! Bakit?! Bakit bawal?

Ipinikit kong muli ang aking mga mata habang tumitibok pa rin nang napakalakas ang aking puso. Ang ginaw na nararamdaman ko ngayon, ay walang-wala lang ito sa ginaw na naramdaman ko kanina, habang kausap ko siya. Sa gitna nang galit na kalangitan, at galit na mga alon na nagmumula sa karagatan.

He slowly removed his bare hands... at humakbang ng isang metro, palayo sa akin.

Nanghihina ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko siyang lumalayo sa akin. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ang isang tao? Ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito ka-tinding pagmamahal, eh! Madudurog na ang puso ko nang ganito ka-aga? Hindi ko pa nga sinusubukan ang sumugal. Hindi ko pa nga sinubukan ang lahat!

He looked at me weakly and I see pain in his eyes.

"I need to stay away from you," matabang niyang sabi sa akin habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"Hindi kita maintindihan! Bakit kailangan mong lumayo sa'kin, kung gusto mo naman pala ako?" sabi ko sa kaniya kahit na natatakpan na ang aking mga luha sa ulan na pumapatak sa aking namumulang pisngi.

"I'm sorry, Miss San Diego. Pigilan mo nalang ang nararamdaman mo. We can't be together," malamig na niyang sabi sa akin... bago dahan-dahang tumalikod at naglakad pabalik.

Bagsak ang aking magkabilang balikat habang pinagmamasdan ko siyang unti-unting lumalayo sa akin.

Bumuntong hininga na lamang ako. Kung ayaw niya sa'kin, hindi ko siya pipilitin! Hindi dapat ako naghahabol. Marami pa namang ibang diyan, eh.

For sure, makakahanap pa ako nang iba!

Nakatulog ako na parang may nakadagan sa aking puso. Mabigat ito at pakiramdam ko, dahil iyon sa pag-iyak at sa ulan na nararamdaman ko kahapon. Kinapa ko muna ang aking cellphone pero hindi ko talaga mahanap.

"Looking for this?"

Napabaling naman ako kay Kuya Milan na nakatayo habang nakapamewang. Masakit ang katawan ko, masakit ang ulo ko nang dahil na rin sa alak na nainom ko kagabi. Nakita ko rin si Cora na nasa gilid habang pinagmamasdan lang niya ako. Alam kong nag-aalala sila. Bigla nalang akong umali sa bar na hindi man lang nagpapaalam.

Dahan-dahan muna akong bumangon at kinusot ko muna ang aking mga mata, bago ko sila hinarap.

"Maia, what happened? Bakit bigla ka nalang umalis kagabi na hindi man lang nagpapaalam sa akin? Sa amin. Ang lakas-lakas pa naman nang ulan kagabi. We tried to call you, but you didn't answer!" nag-aalalang sabi ni Kuya Milan sa akin, habang umupo naman siya sa gilid ng kama ni Cora na kaharap nang sa akin.

"I'm sorry, Kuya. Masama lang kasi talaga ang pakiramdam ko kagabi. Kaya, nagmamadali akong umalis ng bar," pagsisinungaling ko sa kaniya.

I need to lie to him. I need to cover up these nonsense thing!

"Sinundan ka kagabi ni Mr. Alcazar. Tell me, Maxima. Do you like that man?"

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso sa biglaang pagtanong ni Kuya Milan sa akin. Umawang ang aking bibig at parang nasamid ang aking dila at hindi ako makapagsalita.

Kaagad namang lumapit si Corazon sa amin para pigilan si Kuya.

"Milan, hayaan nalang muna natin siya. Kailangan niyang magpahinga," nag-aalalang sabi ni Cora kay Kuya.

The Dark Side Of the Sea (Malapascua Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon