❤️ Allisandra Faith❤️
"Love,we're here..." balita ko sa kaniya pagdating namin sa bahay.
Napatingin pa siya sa akin bago siya pumihit pa gilid upang buksan ang pinto nang kotse.
He is still not okay,pero mas mabuti na ito kesa natutulog lamang siya at hindi namin alam kung kelan siya magigising.
"Daddy!..Daddy!.."malakas na sigaw ni Zander habang papasok kami.
Atubili pa siyang lalapit nang makita ang bunso namin.
Tiningnan pa muna niya ako bago lumapit ky Zander at binuhat ito kaagad."You don't have to carry Zander.You are not fully recovered.."sabi ko sa kaniya.
Ngunit masyado nang mahigpit ang kapit ni Zander sa kaniya.
Halatang miss na miss na ang daddy niya."Did you miss,me?.." tanong pa niya kay Zander.
"Of course!..Daddy,are you still sick?.."nag aalalang tanong nang bunso namin sa kaniya.
"Not anymore,I guess.."sagot pa niya at lalong napangiti ang makulit na bata.
"Can we play basketball,again?.." excited na kausap sa kaniya ni Zander.
"No,Zander..Daddy needs to rest. I'll play with you.." sagot pa ni Vince sa kapatid.
Dumiretso na muna kami sa dining,para mag breakfast.
Naka prepare na ang aming agahan nang pumasok kami."Where's Nana?.."tanong ko sa yaya ni Zander.Habang dala dala ang pitsel na may lamang tubig.
"May kinuha pa po sa kusina,ma'am..." napatango na lamang ako.
"Nak,mabuti at nakauwi na kayo ni Matthew..Kamusta na,iho?.." tanong ni Nana sa kaniya,pagpasok sa dining.Lumapit ako para magmano ky Nana,ganoon din ang ginawa niya.
"Medyo mabuti na po nang konti.." sagot niya at umupo na kami sa harap ng mesa.
Magkaharap kaming naupo ni Vince habang si Matthew ay nasa kabisera nakaupo.Pero lilipat na sana ako dahil mas gusto ni Zander na katabi ang daddy niya.
Inusod lang niya nang konti ang kaniyang upuan at dinagdag ang medyo maliit na upuan ni Zander. Sa gitna na namin nakawesto ang makulit na bata.
Si Nana naman ay nasa tabi ni Vince naupo."How about the staffs?..Did they eat already?.." tanong niya.
"Yes,dad..Kakatapos lang.Doon ako galing sa kanila.."sagot ni Vince.
Napatango na lamang siya at nag umpisa nang kumain.Magana siyang kumain ngayon.
Parang normal lang ang araw na ito.
Sana magtuloy tuloy na ang kaniyang paggaling.Tahimik namang kumakain si Zander.
Habang kumakain hindi ko napigilang balikan ang mga sandaling nakaratay siya sa hospital.______________________________________
(past months)
"Anak,kausapin mo si Matthew kahit natutulog siya maririnig ka niya."sabi ni Nanay sa akin nang madatnan akong nakatingin lamang sa kaniya at hindi alam ang gagawin.
"Nay,paano kong tuluyan na siyang hindi magising?.."nag aalala kong tanong.
"Huwag kang mawalan nang pag asa.Lagi mong iisipin na hindi kailan man mawawala si Matthew.Alam ko kung gaano ka niya kamahal.Kahit hindi ka niya naririnig,sabihin mo sa kaniya na mahal mo siya at nang mga bata..Pasasaan ba at magigising din ang aking anak.."mahabang pahayag ni Nanay.Nagpaalam na itong mauuna na at pupuntahan si dad sa opisina.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories☑️ [Completed]
RomanceShe wants to forget the past and live the life she wants.. But still it hunts her,the mere fact that he left her memories she can't resist. Thinking she might be able to resurface from that nightmare.. She wanted to rethink,get lost and forget the w...