5. the past..

482 20 0
                                    

Allisandra Faith💋

(The past)

Nagising ako na mag aalas dos na nang hapon.Sobrang sakit nang katawan ko.Halos matumba pa ako nang sumayad ang aking mga paa sa sahig.Mabuti na lamang at nahawakan ko ang poste nang kama.

Hindi ko maihakbang nang maayos ang aking mga paa habang hawak hawak ang buhol nang aking roba.Ang bigat nang aking katawan na para bang ako ay lalagnatin pa yata.

Sa wakas ay narating ko ang kusina.Siya namang pagpasok ni Nana galing sa kabilang bayan.Laking gulat ni Nana nang ako ay makita.Alam kung naiisip niya ang maaaring nangyari sa akin habang siya ay wala rito.

"Iha,anong nangyari sa 'yo?"naguguluhang tanong niya paglapit sa akin.

"Malayo to sa bituka,nay.."sagot ko sa kaniya.

"Kung sana ay hindi na ako umalis,kahapon.."umiiyak na sabi ni Nana.

"Ayos lang ako,Nay."Alo ko sa kaniya.Niyakap niya ako nang mahigpit.At sabay kaming napaiyak na dalawa.

"Iha,Bakit hindi tayo magsumbong sa mga pulis?"tanong ni Nana sa akin.Napailing na lamang ako.Ayaw ko na nang gulo.

"Hayaan na natin,nay."mahina kung sagot sa kaniya.

"Anak,inagrabyado ka nang kung sinong lalaki.Kilala mu ba ang may gawa nito sa iyo?"tanong ni Nana.

"Hindi po..."sagot ko sa kaniya.Nanlaki ang kaniyang mata sa aking sinabi.Marahil naisip niyang pinasok ako nang wala siya rito.At tama nga ang kaniyang hinala.

"Nay,may alam ba kayong lugar kung saan tayo puwedeng lumipat?"tanong ko sa kaniya.Napatango naman si Nana sa aking sinabi.

"Ngayon po sana ay gusto kung umalis kaagad dito sa bahay.Ayoko nang tumira dito,Nay."Hindi ko na napigilan ang umiyak sa kaniyang balikat nang ako ay kaniyang yakapin nang mahigpit.

"O,sige.magliligpit lang ako nang pwedeng dalhin natin.Tatawagan ko lamang ang aking kaibigan.Gusto mong tulungan na kitang mag ayos nang mga gamit mo?"tanong niya sa akin habang hinihimas ang aking buhok.

Forgotten Memories☑️ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon