Chapter 3:
•••
•••Maaga akong nagising pagkabukas. Punyeta! Ewan ko lang kung excited ba ako o kinabahan.
Kase first time kong mag-aral sa lintek na paaralan nayun. Masyado akong madaming alam sa academing yun kaya nga ayaw na ayaw kong mag-aaral dun.
At ngayon, malalaman ko nalang na kailangan ko DAW mag-aral dun.
Dahil andun daw yung hinahanap. Pero SANA Oo! Nagbabakasakali na SANA ANDUN nga.
And then, ako may kailangan dun ...??? Tss! Hindi payan sinagot ng lintek na babaeng yun kagabi ang tanong ko.
Tumayo na ako sa kama ko saka diretsyo na ako sa CR.
Matapos kong maligo, bumaba na ako. Maaga palang. Kaya ewan ko lang sa sarili ko kung bat ang aga kong nagising. Tss!
Kumain nalang ako habang wala pa ang lintek na babaeng yun.
Umiinom ako ng tubig ng biglang—
"Hi?"
Bigla ko nalang inubo yung laman ng bibig ko.
Punyeta! Tama ba tong nakikita ko ...???
Kinukusot ko yung mata ko. Fuck! Hindi naman siguro ako tulog?
Kinusot ko ulit. Letshe! Bat kamukha ko tong nasa harapan ko!?
Nakita kong bumaba na ng hagdanan ang lintek na babae.
"Punyeta! Sophia! May kakambal ako?!" sigaw ko sa kanya.
Bigla nalang syang natawa saka niya ako pinitik sa noo. Tss!
"Loka ka! Clone mo yan HAHAHAHA" at ayun ang gaga tawa ng tawa.
Muntik ko nang makalimutan. Kaya pala tong gumawa ng ibat-ibang katawan ang lintek na babaeng to.
Anganda naman ng magic niya... Tss!
Umupo nalang ulit ako sa hapag-kainan saka pinagpatuloy ko yung pagkain ko. Tumabi nadin sa akin ang lintek na babaeng to saka sabay kameng TATLONG kumain.
Oo! Pati Clone na KAMUKHANG-KAMUKHA ko ay nakikisabay nading kumain sa amin.
Punyeta! Ang weird ng clown version ko na to. Tss!
"Teka nga! Bat ganyan yung suot nyo?" nagtataka ako sa outfit nilang dalawa—ng clown version ko.
"Babalik na kame."
"Ano?!"
"Babalik na kame."
"Huh?"
"Letshungas! Sabi kong babalik na kame!"
"E—charroottt HAKHAK..." saka ulit ako nagpatuloy sa pagkain. "... Babalik na kayo? Kasama tong clone version ko?"
"Oo! At gaya nga ng sinabi ko, ako na ang bahala."
"Alam nya ba tungkol sakin?"
"Oo naman."
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓
Fantasy[ BOM1: CLAES (COMPLETED) ] SYNOPSIS; "Aria Scarlet" was how she identified herself. In order to find what she was looking for, the Amulet. She acted fake and concealed her true nature. However, something unforeseen will cause Time to alter. Lustrou...