<°THE BEGINNING °>
•••
•••Iminulat ko ang dalawang mata ko. Nagtaka ako nang hindi familiar sakin ang lugar kung saan ako nakatayo. At mas lumala ang pagtataka ko nang ang gulong-gulo ng buong paligid.
Parang dinaanan ng Gyera! Mga sirang bahay. Bitak na bitak na lupa. May ilang nasusunog. Rinig ko din ang ilang sigawan. Punyeta! Nasa War ba ako?
"Mama! Papa!..." napalingon kaagad ako sa "... Mama! Papa!" isang babae na sa tingin ko ay nasa 15 age. Kulay Violet ang buhok nya at umiiyak ito.
Umiiyak sya na nakatingin sa harapan nya na wasak na wasak. Parang nabiyak ang lupa at nasunog? Tapos para din itong lumubog. Pag aapakan mo yun tuluyan na ngang bibigay ang lupa at magkakaroon yun ng malaking butas. Parang isang malakas na Magic-Ball ang tumama doon.
At teka! Bakit masyado naman atang magulo ang buong lugar ngayon? Kasi wala akong ibang nakikitang maganda. Kundi ang magulong paligid, ang ilang bahay na sirang-sira, ang may crack na lupa, iba din ang kulay ng kalangitan. Inshort, parang galing sa gyera ang lugar nato ngayon.
"Rhea! Rhea! Please! Controled your anger!" napalingon ako sa bago nanamang boses.
"Rhea!" Apat na mga babae ang nakita kong paulit-ulit na isinigaw ang pangalang 'Rhea.'
Napatingala ako. Sinundan ko kasi kung saan sila nakatingin at bakit sa kalangitan sila sumisigaw sa pangalang Rhea. Nakalutang sya sa ere at kakaiba ang kulay ng mga mata nya. Tulala sya sa kawalan at para bang wala syang naririnig.
Ang isa sa apat na babae ay may Light-Yellow colored hair. Yung isa Brown with Yellow Highlights at ang dalawa naman ay Pure Black color Hair lang. At kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila.
Tinitigan ko yung Rhea. May iba sa itshura nya. Pure-Black lenses. Para syang nawawalan ng control. Blanko din ang makikita ko sa expression ng mukha nya. At may mga Cards na nakapalibot sa kanya.
Cards? Ewan. Dahil hindi ako familiar sa twelve na Cards na nakapalibut sa kanya. May mga kakaiba itong nakasulat na hindi ko mabasa. Lalong-lalo na yung mga bilog-bilog sa likuran nila.
Biglang yumanig ang lupa. Nakita ko ang paglabas ng malaking Magic ball sa langit. Akala ko kung sino ang may gawa pero naramdaman ko na galing sa babaeng Rhea ang magic nayun.
Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya. Pero parang may ideya ako kung ano. Wala sya sa sarili nya. In short, wala sya sa pag-iisip nya. Hindi nya alam ang ginagawa nya. Para syang na 'Magic Lost?'
Nabasa ko lang din yan sa libro. Isa mga pinakadelikado samin sa oras na mawalan kame ng controled. Kaya baka nga ay ganyan na sya ngayon.
"M-monster!..." nilingon ko nanaman ang babaeng sumigaw kanina. "... You monters!..." umiiyak syang sumisigaw habang nasa babaeng Rhea ang tingin. "... Pagbabayaran nyo to!..." nararamdaman ko ang galit nya. "... Pinatay nyo ang Mama at Papa ko..." dahan-dahan syang tumayo galing sa pagkakaluhod.
Nilingon ko naman yung malaking sirang-sirang lupa na gusto nang bumitaw, kung saan sya nakatingin na ngayon. Habang sinisigaw ang salitang 'Mama at Papa'
'Pinatay nyo ang Mama at Papa ko...' Sino naman ang pumatay sa pamilya nya? Kung ganun. Sa harapan nya mismo pinatay ang pamilya nya? Dun ba sa malaking bilog na gusto nang bibitak? Kita ko kasi na isang malaking Magic Ball ang may gawa nun.
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓
Fantasia[ BOM1: CLAES (COMPLETED) ] SYNOPSIS; "Aria Scarlet" was how she identified herself. In order to find what she was looking for, the Amulet. She acted fake and concealed her true nature. However, something unforeseen will cause Time to alter. Lustrou...