Chapter 42

270 17 0
                                    







Chapter 42:






•••
•••










"Wuyyy! Ate Aria! Masakit ba yung pisnge mo?..." sinamaan ko naman ng tingin si Diane. Malamang! Masakit! Punyeta! "... Awwttss! Hehehehe peace ate Aria." sabay peace sign niya.

"Nagkita na pala kayo ni Dyosa?..." tanong ni Hilary. Umiling lang ako. "... Eh? Kakasabi lang niya na 'Nice to meet you AGAIN?' ihhh!..." umiling nalang ako. Tss! Kahit ako nga nihindi ko matandaan na nagkita na nga ba kame. "... Tshaka tinawag ka niyang 'Lady'? Eh? Ang weird pala ni Dyosang... Maganda sya ihh. Kaso weird ngalang."

Hindi ko na lang sya pinakinggan pa. Nilakad ko nalang yung lalagyanan ng Light Stone para kunin na sana kaso agad ding tumigil sa ere ang kamay ko. May naalala kase ako. Tss!

Hindi ko na tinuloy pa ang pagkuha sa Light Stone. Bumalik ako sa kinatatayuan nina Hilary at Diane. Nagtaka pa sila sa ginawa ko.

"Baket hindi mo kinuha Ate Aria?"

"Kailangan nating hintayin sila... Na kay Fyre kase ang lalagyan." nakatayo lang ako habang ang paningin ko ay nasa light Stone.

"Awh! Uu nga noh... San na kaya sila? Bakit wala pa sila? Pfft! Tingnan mo nga naman. May pa sabi-sabi pa sila na sila ang magiging partner namin eh ang tagal nga nila ihh... Mabuti nalang si Aria Partner natin. Edi! Nauna pa tayo sa kanila hahah" tss! Hilary always Hilary.

"Hahahaha! Oo nga Hilary noh... Pag natuloy talaga ako na kina Kuya Ronnie at Kuya Walter ako nasama. Tshak! Matatagalan kame..." nakita kong umupo si Diane ng pa indian seat sa sahig. Sinandalan niya naman yung Grass Wall. "... Matutulog muna ako Ate Aria... Pakigising po ako please! Hilary and Ate Aria ah!" tumango nalang ko bilang sagot.

May isang daan lang ang nakikita ko. Kaya nagtataka ako kung saan lalabas sila? Nag-iisa lang ang daan papasok dito—kung saan kame nakapasok nina Diane at Hilary. At puno din ng ibat-ibang bumalaklak ang paligid. Tiningnan ko ang bawat klase ng makukulay na mga bulaklak.

May Sun-Flower, Lily, Daisy, Dahlia Jasmine, Gardenia. Tshaka yung favorite kong flower. Orchids and Roses. Madami pang ibang bulaklak na hindi ko alam kung anong tawag nadun.

"Diane!... Aria! Si Diane!..." nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Hilary. Kaya napatingin agad ako sa kanya. "... Aria! Si Diane! Binangungot!" binangungot? Hindi na ako nagdalawang isip at nag teleport na agad ako sa pwesto ni Hilary.

Nakahiga si Diane sa Sahig ay nakakunot ang noo niya. Inaalog naman ni Hilary ang balikat ni Diane para magising pero hindi tumalab. Pinatabi ko si Hilary saka ako ang gumawa nun kay Diane. Sigaw din kame ng sigaw sa pangalan ni Diane kaso walang nangyayare! Hindi sya nagigising! Punyeta! Anong nangyare sa kanya? Natulog lang naman sya hindi ba?

Biglang umihip ang hangin. "May masamang ibinubulong ang hangin Aria..." Oo hilary! Ramdam na ramdam ko. Punyeta naman oh! "... Ano nang gagawin natin Aria? Baket hindi nagigising si Diane? Baket sya binangungot?" nag-aalala niyang tanong.

Tinitigan ko si Diane. Kunot-noo na sya at sa tingin ko. May hindi sya magandang nakikita ngayon. Nightmare! Punyeta! At alam kong ako lang ang makakatulong para magising si Diane.

"Hilary..." tawag ko sa pangalan niya habang ang tingin ko padin ay na kay Diane. "... Wag mo kong gisingin hanggat hindi kame nagigising ni Diane." kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon