Chapter 55

259 16 0
                                    





Chapter 55:









•••
•••












May nakita ako. Ang Nanay Dayana. May dalang sanggol na sa tingin ko ay natutulog. Pumasok sya sa isang palasyo. Ang palasyo ng mga Carcido. The Wind Realm. Walang nagbabantay kaya malaya syang nakapasok. Gabi nadin. Pumasok sya mismo sa kwarto ng mag-asawang Carcido's at nakikita niyang tulog ang mga ito. Malaya syang nakapasok dahil sa Spell na nilagay niya mismo sa sarili niya. Lumapit sya sa isang kahon na gawa sa mamahaling kahoy. May sanggol dun na natutulog. Ang nag-iisang anak ng mga Carcido. Si Hilary Xielle Carcido. At hindi na nagdalawang isip ang Babaeng Dayana at kinuha niya ang anak ng mga Carcido's at ipinalit niya ang dala niyang sanggol na walang iba ay kundi ang anak niya. Ang anak niyang si Diane Maye Ascart.

Napakurap ako ng tatlong beses nang maalala ko ang nakita ko kay Hilary. Punyeta naman! Nasa kama ako ngayon. Natulala sa ceiling. Hindi ko na natuloy pang ipakita kay Hilary ang tungkol sa nakasulat dun sa libro dahil nga dun sa nakita ko nang mahawakan ko ang kamay niya. Punyeta! Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagkulong dito sa kwarto ko. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong mag-isip! Punyeta!

Yung batang sanggol na dala ng Nanay Dayana nina Vincent. Nung nakita ko sya na naglalakad sa gitna ng gubat. Yun bang sanggol na dala niya ay ang Anak ng mga Carcido's? At yung sanggol na ipinalit niya ay yun ang totoong Diane? Yun ang totoong kapatid ni Vincent!? Punyeta! So ibigsabigin... Hindi lang pala si Sophia at Diane ang nagtatago sa katotohanan na hindi naman totoo. Hindi lang silang dalawa ang may malaking problema. Hindi lang silang dalawa ang may nakabaon na masamang ala-ala sa nakaraan. Kundi pati si Hilary. Kasali si Hilary! Punyeta!

Si Hilary Xielle Carcido ay anak nina......

"Aria?..." may narinig akong katok. "... Aria Gising ka ba?..." huminga muna ako ng malalim saka ako dahan-dahang naglakad palapit sa pintuan. Pagkabukas ko nun ay bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Hilary. "... Ahm... Gabi na kase... Okay ka lang ba? Baka gusto mong kumain Aria?" tiningnan ko ang terrace ko at gabi na talaga. Tss! Ganun ba talaga ako na sobrang tulala? At hindi naman namalayan na gabi na? Tss! Tiningnan ko ang oras na malapit nang mag aalas-otso.

"Oo naman... Okay lang ako..." saka nginitian ko sya ng tipid. "... Tara." sumunod na lang ako sa kanya. Nakita ko din silang lahat na nasa Living Room. Anong meron? Tss! Pina-una namin silang lumabas saka sumunod kame nina Diane at Hilary. Bumuntong-hininga ako nang naalala ko nanaman ang nasa isip ko. What if kung siya nga?

Pero hindi pa man kame nakakasakay ng Elevator ay napahinto ako sa paglalakad sabay hawak ko sa ulo ko. Itinukod ko ang kaliwang kamay ko sa puting dingding. May biglang nag fla-flash sa isip ko na ibat-ibang Imahe.

Ang buong Agenhor. Nagkakagulo. Umaatake ang mga Grim Reapers. Andun ako. Tumatakbo. Kasama si... Walter. Ang bahay ni Aling Trinidad. Nasusunog. Si Gracel. Na umiiyak. At hindi niya ako nakikita. Si Goddess Andromeda. Nagpakita. Binalaan niya kame tungkol dito. '7 Days from now on... The War will Start.' Punyeta!

"Aria?" boses ni Hilary.

"Ate Aria!?" boses ni Diane.

"Walter! Walter... What the hell is happenning?!" sigaw ni Jessel.

Bumagsak akong nakaluhod sa marmol na sahig. Habol ko ang hininga ko. Wala nadin ang sakit ng ulo ko. Pero punyeta! Naaalala ko na! Agad akong napatingin kay Walter at biglang nagtama ang mga mata namin. Kagaya ko ay bigla ding sumakit ang ulo niya kaya nakasandal ang ulo niya ngayon sa dingding.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon