Chapter 32:
•••
•••"Did that guy has a relationship with you?" bigla niyang tanong kaya kumunot nanaman ang noo ko sa tanong niya. Diretsyo padin kameng naglalakad.
Tshaka, ano bang pinagsasabi niya na 'Did that guy has a Relationship with you'? Ano bang pinagsasabi niya?
"Huh? Hindi kita maintindihan." sagot ko. Kaya agad syang napahinto sa paglalakad. Kaya huminto din ako. Ayoko na kase mabungo nanaman ako sa likuran niya. Kagaya lang nung una. Dun sa Power Stone. Tss!
Hinarap niya ako. Seryoso lang ang mukha niyang nakikita ko. Tinitigan niya ako. Para bang may tinitingnan sya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Hindi din naman ako magtatanong kung naiintindihan ko ang sinabi niya kanina? Tss!
"That guy... That Prince... May something ba sa inyo.?" seryoso niyang tanong ulit. Ano daw? Si Princes Keith? May something pa daw kame? Punyeta! Bigla akong napa-iwas ng tingin. Hindi dahil sa pinatunayan ko na may 'Something' nga kame nung lintek na princes nayun. Kundi naiilang na ako sa mga titig niya.
Sya na ang bahalang humusga kung anong unang pumasok sa isip niya. Tss! Anong pake niya kung may something kame ni Prince Keith? Tss! Pero asa sya. HINDING-HINDI magiging kame for heaven sakes! Tss!
"I guess... Silent means 'Yes'! " at bigla niya na akong tinalikuran. Amputcha! Hindi pa nga ko nagsasalita, may sagot na agad sya. Tss!
Hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko. Inisip ko kase yung reaction niya. Para bang nagalit sya? Ano namang ikinagalit niya? Eh dapat nga ako ang galit dahil hindi pa nga ako sumagot sa tanong niya kung may something nga ba kame sa lintek na Princes nayun tapos sya may sagot na? Tshaka anong 'Yes'? Tss! Asa sya. Asa talaga sya kung magiging kame.
Bumuntong-hininga nalang ako bago sumunod na ako sa kanya. Pero nakakailang hakbang palang ako ay biglang tumunog ang inaapakan ko. Kaya agad akong napahinto sa paghakbang. Kita ko din na napahinto si Fyre kaya agad syang napalingon sakin. Limang metro ang layo ni sakin.
Ibubuka ko palang sana ang bibig ko kaso huli na ako. Nagkaroon ng butas ang sahig na inaapakan ko kaya diretsyo akong nahulog dun. Napasigaw pa ako sa sobrang bigla. At narinig ko pa ang sigaw ni Fyre na tinawag ang pangalan ko.
Ipinikit ko nalang ang dalawang mata ko saka hinintay ko ang babagsakan ko. Nung una, dun sa pagkalunod ko sa tubig. Sa first training namin para hanapin ang Power Stone, ay muntik na akong malunod. Kaso hindi natuloy dahil may nagligtas sakin.
Pangalawa naman, dun sa pangalawang training namin. Sa pagkuha ng Reality Stone. Akala ko mamamatay nadin ako dahil sa biglaang pagkahulog ko. Kaso hindi pa pala.
At ngayon dito sa pangatlong agaw-buhay. Hindi ko alam kung katapusan ko na ba o hindi pa. Hinihintay kong may tumamang bagay man lang sa katawan ko para sa pagkamatay ko. Kaso, nung wala akong naramdaman na kahit na ano ay dahan-dahan kong binuksan ang dalawang mata kong napapikit.
At ganun nalang ang gulat ko sa nakita ko sa sarili ko na nakalutang sa ere. Dahan-dahan akong lumapag sa sahig. Nagtataka ako kung pano yun nangyare, basta! Ang alam ko. Hindi Magic ni Diane ay may ganun. Hindi ko ginamit ang Magic niya kaya nakakapagtataka kung sino ang may gawa nun.
Umangat ang tingin ko sa itaas. Umaasa na sana tumalon man lang si Fyre para sundan ako. Kaso, dilim lang ang nakikita ko. Wala akong makita na kahit ano. Walang Fyre. Tss!
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓
Fantasy[ BOM1: CLAES (COMPLETED) ] SYNOPSIS; "Aria Scarlet" was how she identified herself. In order to find what she was looking for, the Amulet. She acted fake and concealed her true nature. However, something unforeseen will cause Time to alter. Lustrou...