Chapter 43:
•••
•••Tumayo sya dala ang sanggol at lumabas sya ng maliit na bahay. Sumunod din naman ako. Gumawa ulit sya ng ibang portal at gaya ng kanina, sumabay ako papasok.
At bumungad sakin ang Bahay na made of wood sa gitna ng gubat nanaman. Halos lahat naman ata kakahuyan ang nakikita ko. Simula kase dun sa bahay ni Nanay na kung asan niya iniwan ang batang Chris at ang sanggol na si Maye ay nasa gitna ng gubat din yun noh.
Kinatok niya ang bahay nayun. Ako naman nananatiling nasa likoran niya. Sa tingin ko kase ay hindi talaga nila ako nakikita. Pero... Si Diane kaya? Asan na kaya sya? Kailangan ko syang makita na.
"Dana! Si Dayana to! Kapatid! Pakibukas naman oh!" sigaw ng Nanay ng batang Chris. Na Dayana daw yung pangalan niya.
Bumukas naman ang pinto at bumungad dun ang parang kamukhang-kamukha na isang babae din. Sabi niya kanina, 'Kapatid'? So magkapatid talaga sila? Halata naman dahil magkamukha sila.
"Dayana..." mahinang sambit ng babaeng Dana daw. Nagpalinga-linga pa sya sa paligid. Parang may sinisiguro kung may nakasunod ba o wala. Maliban sakin, sa tingin ko wala namang nakasunod pa. Tss! Pinapasok ng babaeng Dana ang kapatid niya. Sumunod din naman ako. "... Ano't naparito ka?" diretsyang sagot ng babaeng Dana.
"Dana... May hihingin sana akong pabor sayo?" pumasok muna saglit sa tingin ko ay kusina. Saka may tinimpla ata. Pagbalik niya inilapag niya yun sa isang maliit na mesa.
"Anong pabor?..." wika ng babaeng Dana. Bumaba ang tingin niya sa sanggol kaya kumunot ang noo niya. "... Sinong batang yan?..." nagtataka niyang tanong. Lumapit sya kay Dayana at tiningnan niya ang sanggol. Nakita kong biglang nanlaki ang mata niya. "... P-pano yan napunta s-sayo Danaya?..." nauutal niyang tanong. Umatras sya ng ilang habang saka habol-habol niya ang paghinga niya. "... San galing yan? Saan mo yan napulot Danaya!?"
"Yun sana ang hihingin kong pabor Dana... Maawa ka... Gusto kong iiwan muna sayo ang sanggol nato"
"Hindi!..." naguguluhan ako sa sigawan nila. Ano bang meron sa sanggol nayan at baket parang ayaw atang ipatira ng babaeng Dana dito sa bahay nila? "... Hindi! Ibalik mo ang sanggol nayan Danaya! Ibalik mo kung saan mo yan nakuha. Nananahimik na kame dito at ayaw naming madamay sa gulo nayan! Kaya paumanhin. Ngunit hindi ko pwedeng alagaan ang sanggol nayan. Hindi pwede!" umiiling-iling niyang sabi.
"Mama!..." isang boses na babae ang narinig ko kaya napatingin ako sa kinaroroonan nun. Galing sya sa isang pinto. "... Ma! Baket po kayo nagsisigawan ni Tita Dayana po?" inoxente niyang tanong. Sa tingin kodin, nasa 7 Years old din ang batang babae nato.
"Ahhh... Wala anak... Nag-uusap lang kame ng Tita Dayan mo."
"Luhhh! Ma! Kaninong baby po yan?..." nabigla pang tanong ng batang babae. Agad syang tumakbo sa kinaroroonan ng Tita Dayana niya at walang pasabe na hinihila-hila niya ang damit ng tita niya. Matangkad kase to at maliit pa sya. "... Tita Dayana... Patingin po sa baby please." parang naalala ko ang batang babae nato kay Hilary. Tss!
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓
Fantasy[ BOM1: CLAES (COMPLETED) ] SYNOPSIS; "Aria Scarlet" was how she identified herself. In order to find what she was looking for, the Amulet. She acted fake and concealed her true nature. However, something unforeseen will cause Time to alter. Lustrou...