Chapter 53

271 16 0
                                    




Chapter 53:






•••
•••










Gabi na nang naka-uwi kameng lahat.  Naalala ko yung nangyare kanina. Pinipilit nila akong sumama sa kanila sa Academy kaso hindi ako pumayag. Malamang! Eh kasama na nga nila ako dito araw-araw. Tss! Syempre, hindi pwedeng sabihin. Saka gabi na nang naka-uwi kame. Matapos kase nila na hindi ako napapayag ay wala nadin silang nagawa kundi ang sumuko. Pipilitin pa sana nila akong kalabanin kaso umatras ako at sinabi ko sa isip ni Sophia ang gusto ko na sasabihin niya.

Sinigaw din naman ni Sophia sa kanila na 'Kung balak niyong may gawing masama kay Catarina... At walan sya ng malay... Pwes! Subukan nyo... At kung magtatanong kayo kung pano nalaman? I can read mind remember.' at binigyan pa sila ng smirk ni Sophia. Tss! Hindi naman talaga Mind Reader si Sophia. Sinabi ko kase sa kanya na yun ang sabihin niya. Syempre magtataka ang mga Royal Bloods. At magtatanong kung 'Pano niya nalaman' and worse, mapagkamalan pang si Aria—Ako ang dahilan kung pano niya nalaman. Baka naniniwala sila na Spy talaga ako. Tss! Kaya mas mabuting dinahilanan nalang ni Sophia na Mind Reader sya. Tss!

At kung pano naman kame nagpalit ng pwesto ni Ate Kesha? Ganito din yun. Nang pabalik na kase sila ay nakasunod lang kami ni Sophia. Gumawa ng Trance si Sophia para matago ang presensya namin. Nakabihis na ako daan. At ang kulang nalang dun ay ang maka-alis na sa pwesto si Ate Akesha. Kagaya ni Sophia at Diane. Ay nakaka-usap kodin sa isip ko si Ate Kesha. Kaya ganun ang paraan ko para kausapin sya. Nang medyo malayo-layo sya sa ibang Royal Bloods ay sinisigurado niya na walang makakita sa kanya kaga nagkaroon sya ng chance na gamitin ang teleportation niya. Sabay kame kaya namalayan ko nalang na nagkapalit na kame ng pwesto ni Ate Akesha. Ako na ang kumakalaban sa mga Grim Reaper. At sya na ang nasa tabi ni Sophia. Nginitian niya ako at may huli syang sinabi sakin bago umalis 'Sana mahanap mo na ang hinahanap mo Lady Catarina...' ibinigay niyo muna una sakin ang Crystal-Bow ko.

"Wuyyy!..." bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Eiron. "... Tulala ka..." nung makabalik kase kase kame dito sa Royal Dorm ay sa Living Room muna kame nina Diane, Hilary, Eiron, Walter at Ronnie. "... Lalim ng iniisip Aria ah... Pwedeng e share?" tss! Imbis na sagutin si Eiron ay si Diane ang tiningnan ko.

Naka upo din sya sa sofa. Hindi din sya comfortable dahil eto ang unang araw niya dito sa Royal Dorm. Nakuha na kase niya ang ID niya at kunfirm nga na dito si Diane. Nagtaka ang ilang Maidens kung bakit nung una ay sa middle sya. Kahit ako din ay nagtaka na. Nasa pang-apat na pinto ang kwarto niya. Katabi ng kwarto ni Jessel. Tumayo ako sa pagkaka-upo sa sofa at naglakad ako papuntang pintuan.

'Alam kong madami kang tanong sakin Diane... Maghihintay ako sa baba...' wika ko sa kanya sa isip ko at tuluyan ko nang pinihit ang daan palabas. Ginamit ko ang Lightning Teleportation at namalayan ko nalang na nasa labas na ako ng Dorm Building. Nagpalakad-lakad lang ako kung saan man ako mapapadpad. Gabi nadin at medyo malakas ang hangin. Naramdaman ko naman na dumating na si Diane kaya napahinto na ako sa paglalakad at nilingon sya. "... Isang tanong, Isang sagot." kalmado kong sabi sa kanya. Matagal-tagal bago niya naisipang magtanong. Mababakas ko kase ang pagdadalawang-isip niya. Kung sasabihin niya ba o hindi.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon