Chapter 60

316 17 0
                                    




Chapter 60:





•••
•••











May narinig akong tatlong palakpak kaya halos sabay-sabay kaming napatingin sa kinaroroonan nun. Isang babaeng naglalakad palapit samin kasama ang limang Grim Reapers sa likuran niya. Nakasuot sya na parang Black-Indigo kulay na fited-Gown. At may suot syang itim na cape na may tiniktinik sa leeg? Ewan ko kung anong tawag dyan. Tss! Then may hawak syang Black-Scepter. Punyeta! Dinaig ata niya ang suot ko. Tss! Pero familiar din sya. Oo, familiar talaga.

"Give me the Six Stone's." unang pambungad niya. At pansin kodin sa lupa na bawat madadaanan niya ay namamatay yung damo ng madadaanan niya. Ano daw? Gusto niyang kunin ang Six Stone's? At talagang ngayon sila umatakd dahil alam nila na Completo na ang stone namin? Tss!

"Anong kapalit?..." bigla akong nagsalita kaya ramdam ko na nakatingin na sakin ang lahat. Nakita ko ang pagkakunot ng noo ng babaeng may dalang scepter. Isa din kaya sya sa mga Demon Queen? Siguro. Tss! Seryoso niya lang akong tiningnan. Hindi din naman ako nagparamdam ng takot. Walang magagawa ang takot ko dito. Tss! "... Sinabi mo na gusto mo ang Six Stones? Tinanong kita kung anong kapalit... Kaya sumagot ka." bastos na kung bastos. Matagal kasi syang nagsalita kaya inunahan ko na sya. Tss!

Napangisi sya sa sinabi ko. Ako naman seryoso lang. Tss! "I like your Attitude Dear..." saka mas humakbang pa sya palapit samin. Ramdam na ramdam kodin ang Dark Magic niya. Mas malakas. Kaya mukang nasagot na ang tanong ko. Isa syang Demon. The Demon Queen of Darkness. Tss! "... You ask me what the exchange? Give me the Six Stones..." tinitigan niya ako ng mata sa mata. May narinig akong sumigaw sa pangalan ko kaso hindi ko na yun pinansin. Titig din ako sa mata ng Demon Queen. "... And I give it back the whole Agenhor." naririnig ko padin ang pagtawag sakin pero hindi ko padin yun pinansin. Titig na titig padin ako sa Demon Queen.

At kasabay ng pag-itim ng mga mata niya ay naramdaman ko na nagiging kulay Crystal-White na ang lenses ko. Para kasing may iba akong naramdaman na parang na hy-hypnotise ako sa sa mga titig niya. Kaya hinarang ko yun gamit lang ang isip ko. Kung si Vincent ay napasa-ilalim niya sa kanyang Dark Magic. Tss! Pwes, Ako hindi. Nakita kong nawala ang ngisi niya kaya ako naman ang napangisi.

"Ibibigay mo ang buong Agenhor? Kapalit ng Six Stones?..." pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi ko alam, pero bigla akong napatawa ng mahina. At nawala din naman yun at tiningnan ko sya ng masama. "... Bakit?... Tuluyan mo na bang nakuha ang buong Agenhor?..." nakita ko ang galit niyang reaction. "... Hindi pa... Hindi mo pa nakukuha ang buong Agenhor." sa galit na galit niyang expression ay pinilit niya pading mag-smirk.

Umilaw ang scepter niya at biglang may lumabas na galing sa lupa. Akala ko mga Grim Reapers. Pero hindi. Isang nilalang na gawa sa bato. Halos magkakulay sila ng lupa. Mukang na offend ata ang Demon Queen sa sinabi ko kaya mukang may balak talaga syang sakupin ang buong Agenhor. Tss!

"Your crossing my line Dear..." may diin sa bawat salita niya. Galit na galit ang makikita ko sa mga mata niya pero ang mukha niya ay nananatiling seryoso lang. Nakasuot padin naman ako ng Cloak. Hindi sya natatanggal dahil pinipilit ko padin na suportahan pag malapit ng matanggal. Tss! Halos nasa Sampu ang mga batong-tao. At medyo malaki-laki sila. Tss!

Umilaw nanaman ang scepter na hawak niya. Akala ko kung may ipapalabas nanaman syang pangit na nilalang. Pero may itim na Magic dun at hindi sya nagdalawang isip na itira yun sakin. Gumawa din naman agad ako ng Barrier kaya nawala yun. Seryoso padin ang expression niya. Pero ang mga mata niya ay nagsasabi na galit talaga sya sakin.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon