Chapter 51:
•••
•••'I, the Goddess of Dream... Give you a blessing... You Catarina... Will be a Descendant... You are the Descendant of Time and Dream... And you are the key... To complete the chosen...' medyo... Naweiwerduhan ako sa sinabi niya.
At nakita ko nalang na unti-unting umiilaw ang dalawang kamay ni Goddess Andromeda na dahan-dahan niya yung itinapat sa ulo naming dalawa ni Diane. Pero hindi natatamaan ang ulo namin sa kamay niya. Bale ipinuwesto niya lang. At nang mawala ang maliwanag nayun ay malapad na ang ngiti ni Andromeda. Ako naman, napakurap lang ng tatlong beses. Inaalala yung sinabi niya. Ano daw? Tss!
Dahan-dahang bumukas ang kanang palad niya at unti-unti kong nakikita dun ang hinahanap namin. Teka! Pano to napunta sa kanya? "When i saw this in my Hologram... I Imediately use my Ability to steel this Green Stone..." napakurap nanaman ako ng tatlong beses sa sinabi ni Andromeda. "... And I guess this is what your looking for?" dahan-dahan niya inilapit sakin ang Time Stone na nasa kamay niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.
Dahan-dahan namang lumutang sa kamay ko ang nagliliwanag na Kulay Green na stone. Yung Time Stone. Nasa kamay ko na! Tiningnan ko sa mata si Goddess Andromeda. "Thank you Goddess Andromeda!..." halos magkasabay pa naming sabi ni Diane sabay ngiti. Syempre nag bowed din kame bilang paggalang. Itinikom ko na ang palad ko at alam ko na nasa akin na ang Time Stone. At ang kailangan nalang namin ni Diane, ay ang bumalik. "... Goddess Andromeda... Maraming salamat po talaga sa tulong nyo... At kung maaari po, kailangan na kase naming umalis... May mga mahahalagang tao pa po kase ang nag-aantay samin sa hinaharap." magalang kong sabi kay Goddess Andromeda.
Hinawakan ko naman ang isang kamay ni Diane. Nagkatinginan kame. At mukang handa na kaming bumalik dalawa. Pero agad naman kaming napahinto nang marinig namin ang boses ni Goddess Andromeda.
"They are not just a Six Stones..." biglang sabi ni Andromeda kaya kumunot ang noo ko syang tiningnan. Iba na ang kulay ng lenses niya. Color Sky-Blue na parang may naka-ukit sa gitna na moon crescent? Ewan parang ganun. "... They are all 7 Powerful Stones in a Magic World..." ano daw? 7 stones? Akala ko ba Six lang? "... To find the last one..." parang kinabahan nanaman ako sa susunod na sasabihin ni Goddess Andromeda. Lalong-lalo ba iba na ang kulay ng mga mata niya. "... On Her 18th Birthday... The Full Moon will dissapear... And the New Moon will appear... Find a girl who's wearing a Moon Crescent Pendant... And you will know the answer." at matapos yung sabihin ni Goddess Andromeda.
Naramdaman ko na parang umiikot ang buong paningin ko. Biglang lumiwanag kaya napapikit ako. At pagkamulat ko. Isang familiar na lugar ang bungad sakin. Kinukurap ko muna ang mata ko. Inaadjust. At nang tumama yun sa ilang andito ay nagtaka ako sa mga reaction nila.
"A—ria???" weird. Punyeta! Halos nakanganga sina Hilary.
"Oo? Bakit?" nagtataka kong tanong kay Hilary. Dahan-dahang may itinuro ang daliri niya kaya dahan-dahan ko namang binaba ang tingin ko. At nang makita ko yun, biglang nanlaki ang mata ko. Punyeta! Bakit naka puting dress ako?! Punyeta!!!
Bigla kong naikuyom ang dalawang kamao ko. Punyeta nanaman! Wala naman ata akong matandaan na nagbihis ako? So bakit ako ngayon naka White Half-Shoulder na hanggang binti ko ang haba na dress. May suot pa ako na black-boots. Punong-puno ng Silver-Dust ang damit na suot ko ngayon. And worse... And worse... Ang mas malala pa dyan! Punyeta! Yung buhok kong nakaponytail! Ay nakalugar na ngayon. Kaya kitang-kita ang hangang waist na kulay purple-pink hair na haba nito. At medyo curly ang dulo ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓
Fantasy[ BOM1: CLAES (COMPLETED) ] SYNOPSIS; "Aria Scarlet" was how she identified herself. In order to find what she was looking for, the Amulet. She acted fake and concealed her true nature. However, something unforeseen will cause Time to alter. Lustrou...