Chapter 13

356 22 0
                                    







Chapter 13:






•••
•••











Inagaw sakin ni Hilary yung makapal na libro.

Sya na ang may hawak nun kaya wala na akong magawa pa kundi umupo nalang sa tabi niya.

"Alam mo Aria, hindi padin ako nakaka move-on dun sa nalaman ko na isa pala si Mommy at Daddy na member sa Supreme Class noon..." sinabi niya yun habang nagbubukas padin ng mga pages sa libro "... Walang sinabi sakin si Mommy or Daddy tungkol sa Class nila noon. Ang alam ko lang nag-aaral sila dito, yun lang. Never na nilang kinuwento yung iba. Hayysttt!" biglang napalitan ng lungkot yung expression ni Hilary.

So tama nga ako? Wala talagang sinabi ang mga Magulang niya tungkol sa Past nila dito sa loob ng Academy?

Pero baket? Tss! Baka may reason.

Nananatili padin akong tahimik. Hindi ako nagsasalita.

Nakatingin lang ako sa makapal na libro na hawak niya habang nag scascan sya.

Alam niya naman na kahit hindi ako nagsasalita. Kilala na niya ako—hindi nga lang lahat. Tss!

Alam niyang nakikinig lang ako sa kanya.

"Tumakas lang din ako... " sabay buntong-hininga niya. Tumakas lang sya? "... I dunno. Pero weird din kase ihhh. Ayaw ni mommy and daddy na pag-aralin ako sa school nato." napatingin ako sa kanya.

"So pano ka napunta dito?"

"Tumakas nga ako Aria ihh..."
Oo nga naman. Tumakas nga sya Aria! Tss!. Saka niya din ako tiningnan kaya nagtama yung mata namin "... 13 ako nun. Tumakas ako dahil sa kagustuhan kong mag-aral dito. Success naman!. Pero hindi nagtagal nahanap nila ako." kitang-kita ko mismo sa mata niya na punong-puno ng emosyon.

Punyeta! Hindi kame pumunta dito para mag drama! Tss

Pero bakit ayaw ng pamilya niya na pag-aralin sya dito?

"Pinapa-uwi nila ako... Pero ayoko! Ayokong umuwi kase gusto ko dito..." dun ako naging alerto nung bigla nalang pumatak yung luha niya sa mata niya. Iyakin si Hilary. Alam ko yun. "... Mabuti nalang andyan sina Kuya Fyre and Cylex. Nagawa nila akong ipagtanggol sa mommy at daddy ko. Hindi ko alam kung anong ginawa nila. Basta! *hik* *hik* basta! Nakita ko nalang na *hik* galit na g-galit na si Daddy kina Kuya Fyre at Cylex..." this time. Nilapitan ko na si Hilary saka ko sya niyakap. Tinatapik-tapik ko sya sa likod niya. Teka! Kuya!? Kuya niya sina Fyre and Cylex!? "... Sorry Aria, hehehehe. Medyo masakit padin kaseng alalahanin ko yung past ko huhuhu" sabay punas niya sa luha niya.

What the—kailan pa naging kuya niya sina Fyre at Cylex!? Wala akong alam dyan! Sa isang buwan na lumipas, wala talaga akong alam dyan!

Sa ngiti na pinapakita niya.

Sa masayang salita na binibigkas niya.

Ang masiyahing Hilary na naging pangalawang kaibigan ko dito sa loob ng Academy.

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon