Chapter 8

389 25 0
                                    




Chapter 8:





•••
•••








Mukang kilala ko kung sino ang gumawa niyan. Tss!

Sinamaan ko nang tingin ang anim sa loob ng cafeteria.

Glass double door ang pinto ng cafeteria kaya kitang-kita ko ang mga pagmumukha nilang anim.

Seryoso lang nila kameng tiningnan.

Talaga bang wala siyang balak tanggalin to?

Saka ko tiningnan si Vincent.

"Aria! Vincent!"

"Kuya!"

Napatingin ako sa kakarating lang.

"Anyare sayo kuya?" nagtaka naman si Diane sa itsura ng kuya niya.

Napatingin sa paanan ni vincent si Hilary. Nabigla sya pero inangat din niya ang tingin niya papuntang cafeteria—kung saan ako nakatingin kanina. Tss!

Sinamaan ng tingin ni Hilary ang taong may gawa nun. Shocks naman ang nakita ko sa reaction ni Walter.

Yes! Walter. Sya ang may gawa nun. Ewan ko lang kung bakit niya yun ginawa. Tss!

Di nagtagal ay nawala na yung bato na nakaipit sa paanan ni Vincent.

Hinimas-himasan naman yun ni Vincent.

"Luhh! Kuya! Ang pula ng paa mo!..." nag woworried na si Diane. "... Tara sa Clinic!"

Pinigilan ko si Diane sa gagawin niya.

"Wag!—hindi clinic ang kailangan ng kuya mo Diane"

"Ehh? Ang pula na nang paa ni kuya, ate ihhh. Kaya dapat dalhin na sa Clinic"

"Ang bad mo naman aria, wala kang pake sakin" nagtatampo ang bakla. Tss!

"Tss! Masyado kayong OA. Hindi niya na kailangan pa sa Clinic kase ice naman magic ng kuya mo."

Saka sila napa-isip sa sinabi ko.

Naka-akbay na yung isang braso ni vincent sa leeg ni diane.

Kaya nung na gets naman ni diane ang sinabi ko. Binitawan niya yung kuya niya. Tss!

"Oo nga nuh!"

Nasalampak naman ang bakla niyang kuya sa lupa. Tss!

"Fuck! Diane naman! Ang sama mo!"

"Luhhh! Sorri kuya heheheh" sabay peace sign ni Diane.

Umupo nalang si vincent sa lupa kase hindi na sya makakatayo. Saka sya nag realease ng ice magic.

Nag change ng color yung Lenses niya— WhiteBlue. Parang nag glo-glow yung color ng mata ni Vincent.

Nung medyo malamig-lamig na yung kamay niya saka niya piniwesto ang kamay niya sa namumula niyang paa.

Bilib din ako sa magic ng baklang to. Tss!

Di nagtagal medyo okay na din yung paa niya.

Tinulungan syang makatayo nina Diane at Hilary.

"Thank you!..." saka na sya tuwid nang nakatayo "... Samantalang ang isa dyan—hindi man lang ako tinulungan. Tsk! Tsk! Ewan ko ba san yan pinaglihi. Laging galit. Tss!" mukha syang baliw.

Kinakausap niya sina Diane at Hilary. Pero ang dalawa—iba ang tingin sakin.

May meaning. Tss!

Book Of Magic 1: CLAES (UNDER EDITING)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon