JOELLE POV
1 week akong nawala..I mean nawala sa Isla.Dahil sa bagyo maraming problema sa agency.Hindi naman natin maiwasan na may mga customers na hindi nakakaintindi sa sitwasyon..kaya pagod ako..kahit na may mapagkatiwalaan ako sa agencies ko,hands on pa rin ako pag may mga problema.
Pauwi na ako ngayon,excited na akong makarating sa Isla.May namimiss ako..Ang aking Ina..hahaha..alam na..Parang gusto kong hatakin ang oras eh...nandito na ako sa pantalan.iniintay nalang ang Bangka paIsla...tiningnan ko ang relo ko maaga pa...10am pa alis ng bangka..9am palang..isang oras pa bago umalis....sakto 11am nasa isla na ako....
Pagdaong na pagdaong hinanap kagad ng mata ko ang sundo ko..pagkakita ko eh sakay agad pauwi..pagdating ko sa bahay,nagmano lang ko kay nanay,at kinuha ang pasalubong for Shaun...Nagpaalam ako kay Nanay na punta muna ako kay Shaun para ihatid ang pasalubong ko...
Pagdating ko kela Shaun,nasa gate palang ako,nakita ko si Shaun na masayang nakikipag usap sa isang lalaki.May patapik tapik pa sya sa balikat ng lalaki habang tumatawa..
Ngayon ko lang syang nakita na ganyan makatawa since nakilala ko sya..Siguro BF nya ang kausap nya..Huli na pala ako..Balak ko pa naman na ligawan sya..
Luminga linga ako kung may makita akong tao..Nakita ko ang isang tauhan ni Shaun,tinawag ko ito at binigay ang pasalubong ko na para sana kay Shaun..Laglag ang balikat na umuwi ako...
"Nay!"pansin ko kay Nanay na nakaupo sa couch pagpasok ko nang bahay.."Yong nasa black bag pala Nay,padala po yan ni Kaye para sayo.Akyat muna ako.."
"Okay!oh teka bat ang bilis mo ata..wala ba sa kanila si shaun?"tanong nang nanay ko habang hinahalungkat ang bag na sinasabi ko...
"Nandyan po,pero may bisita sya eh.Boyfriend nya ata...."malungkot kong sagot habang umaakyat..
"Boyfriend?may boyfriend na pala si Shaun?sayang..."
"Nay,pagod ako..pahinga muna ako..."..
"Sige gisingin nalang kita pag ready na ang lunch."
Pagpasok ko nang room,bagsak kagad sa kama ang katawan ko.hindi na ako nag abalang maglinis nang katawan at magbihis..Hindi ko gawain na tumihaya ng kama na hindi malinis ang katawan..pero ngayon parang tamad na tamad ako...
Hindi ko na malayan na tumutulo na pala ang luha ko.Hindi ko namalayan mahal ko na pala si shaun..nong nakita ko kanina nasaktan ako..nagseselos ako..
Kinuha ko ang phone ko...tintigan ko ang picture ni Shaun,kinuha ko to nong natutulog syang may sakit.."Mahal kita,pero huli na ako sayo..may nagpapasaya na pala sayo..Nakikita ko naman na masaya ka sa kanya,kaya masaya na rin ako para sayo..Siguro hindi na ako iibig pa nang iba..tama na siguro na ikaw na ang last na minahal ko.."para akong tanga na kinausap ang picture ni shaun...
"Gab,anak gising na!kakain na tayo"naalimpungatan ako sa tapik ng Nanay..Nakatulog pala ako...
"Nay!"
"Bangon na jan..Maghilamos ka muna don,at bumaba na..nakahanda na ang mesa.."
"Opo,sunod nalang ako..I'll wash may face first.."bumagon na ako sa kama...
"Okay,hurry up.."lumabas na nang room si Nay at ako naman dumiretso na sa toilet..humarap ako sa salamin,,bakat pa pala luha sa mata ko..kaya siguro pinahilamos muna ako ni Nanay..stupid Gabrielle Joelle,dmo naman GF pero kung iyakan mo sobra.cheer up okay?
SHAUN POV
"Shaun,nakahanda na ang mesa..kain na."tawag ni Manang sa akin....
"Jan na po Manang! Erwin tara Lunch na tayo.."
Pagpasok palang namin sa dining amoy na amoy ko na ang adobo na niluto ni Manang...hmmmm mapaparami kain ko nito....Umupo na kami ni Erwin...Takam na takam na ako sa ulam..hahaha..
"Manang sabay kana sa amin kumain.."tawag ko kay manang...
"Mamaya na ako Shaun,Mauna na kayo.."sagot naman ni Manang...
"Sige po ,bahala na po kami dito..tawagin ko nalang po kayo kung tapos na kami..."napansin ko na walang nakahandang tubig kaya tumayo muna ako..."Kain ka lang ja Erwin,kukuha lang ako tubig..."tumango lang si erwin,nasarapan ata sa luto ni Manang....
Pagbukas ko ng fridge may napansin akong mga chocolates at donuts....Saan naman galing to?mamaya ko na tanungin si Manang.kumuha n ako ng tubig at baso na rin at bumalik sa mesa...May napansin dinakong piyaya sa Mesa....Hmmmm....
Pagkatapos namin kumain pinauna ko na si Erwin sa Living room...sinabi ko nalang na tulungan ko si manang na magligpit ng pinagkainan namin..
Habang kumakain si manang....
"Manang saan galing yong chocolates and donuts sa fridge pati yang piyaya?"
"Inabot kanina sakin ni Manong Lucio...Galing daw kay Joelle."
"Kay Joelle po?!bakit hindi sya nagpakita sakin?kelan pa sya dumating?"wala nang sinagot sakin si manang...Kaya lumabas nalang ako ng kitchen...
Nakakainis ang babaeng yon..nandito ba pala,hindi manlang nagpakita sakin..d ba nya alam na miss na miss ko na sya?na gusto ko na syang makita?kakainis naman oh....
"Oh nakasimangot ka?parang may kaaway ka sa isip mo ah..."si erwin..
"Ah wala to..may naisip lang ako...So anong plano mo?gagala or swimming?"pinasaya ko kunwari ang boses ko..pero naiinis pa rin ako sa joelle na yon...
"Mamaya nalang..mainit pa eh.at tsaka kakain lang natin..."
"Kung gusto mo munang magpahinga,pasok ka nalang sa guest room ha..ahm pahinga muna ako....tawagin mo nalang ako pag gusto mo nang gumala..."paalam ko kay Erwin..
"Sige sige Shaun..take your time...."
BINABASA MO ANG
LOVE AND RISK(gxg)
RomanceAll of you agree in a same sex relationship? Kaya bang panindigan at ipaglaban ang inyong pagmamahalan?kayang harapin ang mga maging pagsubok na darating sa hinaharap?paano kung ang pamilya mismo ang maging tutol sa inyong pag iibigan?hawak kamay ny...