Tahimik akong nagtrabaho sa mga oras na nagdaan hanggang sa dumating na nga ang uwian. Napansin nina Serah at Feya ang aking pananahimik, ngunit hindi na rin nagtanong pa marahil ay inakala nilang tutok lang talaga ako sa trabaho ko. Madalas kasi ay talagang hindi ko sila kinikibo kapag seryoso akong nag-aasikaso ng iba't ibang papeles para kay Achetbir.
"Diretyo uwi ka na?" tanong ni Feya sa 'kin.
Tipid akong ngumiti at tumango saka isinakbit ang aking bag.
"Dadaan kami ni Serah sa bar para magliwaliw saglit bago umuwi, sama ka?" pagyayaya niya sa 'kin.
"Naku! Next time na lang, pagod din kasi ako. Mas gusto kong matulog agad ngayon," mahinahon na paliwanag ko.
"Sure ka ba talaga na wala kang boyfriend, Jands?" nakangiwing tanong ni Serah.
Natigilan ako at bahagyang kinabahan.
Nahahalata na ba kami?
"Bakit mo naman natanong?" alanganin kong usisa.
"Daig mo pa kasi ang may boyfriend na mahigpit," sagot niya sa 'kin.
Tumawa ako ng peke upang maitago ang kabang nararamdaman sa dibdib ko.
Possessive kamo.
"Pagod lang talaga ako. Remember nakatanggap ako ng sermon ngayong araw," pagpapaalala ko sa kanila.
Agad kong nakita ang awa sa kanilang mga mata. Lumapit si Serah sa 'kin at tinapik ang balikat ko, si Feya naman ay marahan na napailing.
"Sana ay good mood ang tigre bukas para hindi ka na tawagin ulit," usal ni Serah sa aking tabi.
Mabilis siyang hinampas sa balikat ni Feya at humagikhik ng tawa na parang batang kinikilig. "Good mood 'yon for sure. Ikaw ba naman ang halikan ng girlfriend," aniya.
Napangiti na lang din si Serah sa sinabi ni Feya bilang pagsang-ayon.
"Mauna na ako." Pamamaalam ko sa dalawa habang hindi pa ulit sila nagsisimulang magkwentuhan at saka mabilis na naglakad paalis.
Mula kanina ay halos hindi na nawala ang usap-usapan kay Achetbir at Patriza. Lalo lang pinatibay nang nangyari ang haka-haka nilang mayroong relasyon ang dalawa. Idagdag pa nga na sabay silang umalis ni Achetbir kanina ng kumpanya. Kung saan sila pumunta ay wala akong ideya sapagkat wala ni isang mensahe akong natanggap mula sa kanya. Hindi na ako magugulat kung kinabukasan ay nasa d'yaryo na naman sila.
The young bachelor, Achetbir Villa Forca and sexy model, Patriza Ramir, confirmed in a relationship!
Mapait akong ngumiti at napailing.
Sana ay ganoon din kagandang pakinggan kapag pangalan namin ang pinagtutugma.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo na tinutuluyan ko. Malapit lang iyon sa kumpanya kaya naman hindi rin nakakalaki ang nagagastos ko sa pamasahe. Ilang minuto ang dumaan at tuluyan na akong ibinaba ni Manong sa building na pinaglalagakan ng condo unit na kinuha ni Achetbir. Napahinga ako nang malalim at saka naglakad papasok sa gusali.
I walked into the elevator and pushed the 4th floor area button. Tamad kong isinandal ang aking sarili sa elevator at kinuha ang telepono ko mula sa bag habang umaakyat 'yon paitaas. Pagod akong napahilamos sa aking mukha nang wala ni isang notipikasyon akong nakita.
"Hindi man lang talaga nakaalala mag-text," I murmured and sighed heavily.
Muli kong ibinalik ang cellphone sa bag nang tumunog ang elevator. Hudyat na naroon na ako sa tamang palapag kasabay nang marahan nitong pagbukas. Bagsak-balikat akong lumabas at nagtungo sa unit namin ni Achetbir. Tulala kong pinindot ang passcode nang narating ko ang pintuan at saka itinulak ang pinto nang tumunog ang pag-unlock.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
RomanceR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...