CHAPTER 8

208K 7K 4.8K
                                    

Tulala akong naglakad patungo sa 'king pwesto at pabagsak na umupo.

"Uy, ayos ka lang?" tanong ni Serah.

Marahan akong lumingon sa kanya at napalunok kasabay nang pamumuo ng aking luha. "H-Hindi ko alam," garalgal kong sagot.

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, si Feya naman ay napalingon din sa aking gawi sa kalagitna ng kanyang pagta-type sa kompyuter. Mabilis na tumayo ang dalawa at saka ako mahigpit na niyakap.

"Nandito lang kami, Jandie," bulong ni Serah.

Naramdaman ko ang paghagod ni Feya sa aking likod dahilan para pumatak ang mga luha kong pinipigilan mula pa kanina. Tahimik akong napahikbi kasabay nang pag-alala sa nakaraan namin ni Achetbir.

Ganito pala ang naramdaman niya no'ng panahon na humalik ako sa ibang lalaki, napakasakit.

Ilang minuto pa akong nanatili sa mga bisig nila bago ako kumawala at inayos ang sarili ko. "Salamat," pilit ngiti kong usal habang pinupunasan ang mga luha ko.

Naroon pa rin ang kalungkutan sa kanilang mga mata habang nakatitig sa 'kin. Dumadamay. Nag-aalala.

"Sige na, bumalik na kayo sa ginagawa n'yo. Maabutan pa tayo ni Boss na nagdradramahan dito pare-pareho tayong malalagot," pagbibiro ko.

Sabay naman na napabuntonghininga ang dalawa. "Gusto mo ba tulungan na kita riyan para naman hindi ka gabihin ng sobra?" anas ni Feya.

Marahan akong umiling at ngumiti sa kanila. "Ako na, mamaya malaman pa ni Achet—" I trailed off. "Boss na tinulungan niyo ako at pati kayo ay madamay pa sa init ng ulo niya," I continued.

"Naku! Sasapakin ko lamang siya. Nanggigigil na talaga ako riyan sa Boss natin, ha. Daig pa ang buntis at ikaw ang pinaglilinhan," asar na sabi ni Serah.

Hindi ko maiwasang tumawa sa kanyang sinabi. "Sige na, aayusin ko na ito. Salamat," sinsero kong wika sa dalawa.

"Sure ka, ayaw mong tulungan ka namin? I won't mind being scolded by that freak," pagpupumilit na sambit ni Feya.

Tipid akong ngumiti at saka tumango. "Day off ko rin naman bukas kaya ayos lang kahit mapuyat ako ngayon," ani ko.

"Mabuti naman at hindi niya napapagtripang alisan ka ng rest day." Si Serah habang salubong ang kilay sa inis.

Agad naman s'yang hinampas ni Feya sa balikat. "Ano ka ba? Baka marinig ka ng demonyo at dinggin pa yang sinabi mo!"

Napailing ako sa kakulitan ng dalawa at sinimulang ayusin ang mga papeles na pina-e-encode sa 'kin ni Achetbir.

"Hindi ba at naulit mo kahapon na magpapa-check-up ka bukas?" Si Serah habang hinihila ang kanyang swivel chair patungo sa pwesto niya.

"Hmmm, nag-i-iregular kasi ang regla ko kaya magpapatingin ako baka mamaya may masama na palang nangyayari sa loob ng katawan ko," paliwanag ko at inayos ang aking PC.

"Naku! Stress 'yan dahil sa pagpapahirap sayo ni boss kaya naaapektuhan pati regla mo, minsan ko na 'yang nabasa sa isang article," subat ni Feya sa kanyang pwesto.

Napangiwi naman ako dahil doon. Hilig talaga ni Feya ang magbasa ng iba't ibang uri ng panitikan kaya naman hindi nakakapagtaka na marami siyang alam. Matalinong maarte.

"Hala sige! Magpa-check up ka, gamitin mo health card mo nang ma-feel mo naman ang bunga nang pagpapahirap sa 'yo ng tigre nating amo," segunda ni Serah.

Mahina akong tumawa at sinimulan ang aking trabaho, marahil ay napansin nila ang pagseseryoso ko kaya bumalik na rin sila sa kanilang mga gawain.







Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon