CHAPTER 23

249K 8.4K 5.4K
                                    

"You're believing her?" paghihisterikal ng pamilyar na boses.

"Mom, let me handle this. Kahit ngayon lang, hayaan niyo muna kami ni Jandie," pagod na wika ni Achetbir.

Marahan kong binuksan ang aking mga mata. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang nagising sa ospital pero ito na 'ata ang pinaka nakakatakot na gising ko.

"Ate..."

Mabagal kong ibinaling sa pinanggalingan ng boses ang aking paningin at natagpuan ang nanay ko na nakaupo sa gilid ng aking hinihigaan habang nakatayo si Blair sa kaniyang likuran. Tila may isang anghel na dumaan sa silid dahil sa biglang pagbalot ng katahimikan. Pare-parehong nakikiramdam sa bawat galaw ng isa't isa.

Inangat ko ang aking kamay papunta sa tiyan ko at nanghihinang napapikit nang naramdaman ang kanipisan n'yon.

"A-Ang anak ko," garalgal kong wika at mabagal na iminulat ang aking mata para tingnan silang lahat. "Nasa'n ang anak ko?" Pagpapatibay ko sa aking boses at itinigil ang aking paningin kay inay.

Malamlam niya akong tiningnan at inabot ang aking buhok upang haplusin. "Nasa NICU s'ya anak," mahinahon niyang tugon.

Namuo agad ang luha sa mga mata ko at mabilis na nagbagsakan paibaba sa aking pisngi. Napailing ako sa kawalan ng salita para sa kalagayan ng anak ko.

"Gusto ko siyang makita. Pakiusap, dal'hin niyo ako sa kaniya," lumuluha kong sambit at pinilit ang aking sarili na bumangon sa kabila nang pananakit ng tiyan ko.

"Anak, 'wag ka munang kumilos at baka bumuka ang 'yong tahi," nag-aalalang paalala ni inay habang pinipigilan ako sa aking pagbangon.

"Jandie, don't force yourself too much," Achetbir mumbled worriedly as he walked near me.

"No. Huwag kang lalapit sa 'kin," mabilis kong pigil na agad n'yang ginawa.

Tiningnan ko sila ng kaniyang ina ng puno nang hinanakit. "Ginawa ko lahat..." Saad ko at kinagat ang aking ibabang labi upang hindi mapahikbi. "Nagpaalipin ako dahil kailangan ko ng trabaho. Wala kayong narinig sa 'kin ni isang reklamo. Lahat ng pang-aalipusta at masasakit na salita tinanggap ko..." Nagsimulang mabasag ang aking boses at itinuon ang tingin sa nanay ni Achetbir. "Tapos na ba? Masaya na ba kayo? Kulang ba pa? Ano pa bang kailangang mangyari upang matapos lahat ng ito?" pumipiyok kong pagtatapos at napayakap nalang sa aking ina sa sobrang panghihina at frustrasyon.

"Ang bata," mahinang usal ni Achetbir sa kaniyang pagkakatayo.

Natigilan ako kasabay nang pagpintig ng aking puso. I glanced at him slowly. Hindi ko mabasa ang kaniyang emosyon sapagkat halo-halo iyon.

"Anak ko ba siya?" mahinahon na pang-uusisa niya bagamat nakikita ko ang pangangatal ng kanyang panga.

I swallowed hard and averted my gaze. Tumingin ako sa aking ina, nanghihingi ng gabay sa dapat kong gawin. She gave me a simple smile and brushed my hair using her fingers. "Kailangan siya nga anak mo," aniya.

Napayuko ako at kumuha nang malalim na hininga bago muling tumingin kay Achetbir. "Oo," mahina kong sagot.

Nakita ko ang paghigit niya ng hininga kasabay nang pagsinghap ng kaniyang ina.

"That's impossible! Ilang buwan na kayong hiwalay ng anak ko bago ka pa nagbuntis!" asik ng kaniyang ina.

"Mom, stop it!" Achetbir yelled like his patience was already at the end.

Tinitigan niya ako na tila hinahanap ang kasinungalingan at katotohanan sa 'king mukha. Ang kaniyang mata ay nagsimulang mamula na animo'y nagbabadya ang luha niyang pumatak.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon