"Ang liit niya," naluluha kong usal habang nakatingin sa anak namin ni Achetbir.
Narito ako ngayon kasama ang aking ina at kapatid sa labas ng NICU, pinagmamasdan ang munti kong sanggol na lumalaban sa loob. Naka incubator s'ya at may maliliit na wire na nakadikit sa kanyang katawan. Kailangan s'yang obserbahan at bantayan sapagkat hindi pa gano'n kaayos ang kanyang baga.
Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Inay sa aking balikat. Dumadamay. Nakaupo ako sa wheelchair habang nakatayo siya likuran ko.
"Tibayan mo ang loob mo, anak. Magiging maayos din ang lahat," pagpapalubag loob niya sa akin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at mabagal na iniangat ang aking kamay sa salamin na humaharang sa amin ng anak ko.
"Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong sisihin. Kung sila ba o ang sarili ko dahil hindi ko s'ya lubos na iningatan," sambit ko sa basag na boses.
"Huwag mong isipin ang mga bagay na 'yan. Nasisiguro ko na walang sinuman ang gumusto na mapahamak ang batang dinadala mo," maagap na pigil sa 'kin ng nanay ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, 'nay." Pagsuko ko sa hirap na aking dinadala.
"Bakit 'di mo simulan sa pakikipag-ayos kay kuya Achetbir, ate?" pagsingit na suhestyon ni Blair na nasa aking gilid habang dumudutdot sa kanyang telepono.
Huminga ako nang malalim at muling naalala ang pagmamakaawa ni Achetbir kanina. Kung paano siya lumabas ng silid na may bigong mata dahil sa hindi ko pag-imik sa lahat ng mga sinabi niya.
"Baka sakaling makatulong sa pagdedesisyon mo," sabi ni Blair at inilapag ang kanyang telepono sa hita ko.
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. She just shrugged at me and then eyed her phone. "Seriously, you're losing everything for a wrong decision," she spoke and bent down to tapped her phone.
Agad na nagplay ang isang video roon.
"Yes, all the rumors are true..."
I stiffened in my seat when I saw Achetbir on the screen. Bakas pa rin ang pamumula ng kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak kahit pa seryoso siyang umiimik sa isang maliit na entablado.
"Dalawang taon na mula nang nagkaroon ako ng karelasyon," pagpapatuloy niyang saad.
"Totoo ba na isa siya sa inyong mga empleyado?" tanong ng isang reporter.
"Yes," mabilis na tugon ni Achetbir.
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga nasa paligid dahil sa sagot na kanyang binitiwan. Nakagat ko ang ibaba kong labi habang pinagmamasdan si Achetbir na matikas na nakatindig. Tila sa paraang iyon ay ipinapakita niya ang kanyang pagmamalaki.
"Bakit n'yo ito inilihim sa publiko? Dahil ba alam n'yong ikasisira ito ng inyong pangalan?" pang-uusisa ng isa pang reporter nang nakabawi sa pagkakabigla.
"Wala akong pakialam sa imahe ko," matigas na pagtatagalog ni Achetbir. "I hid our relationship because my partner wanted it that way," dagdag niya, hindi nakaligtas sa akin ang mapait niyang tono nang sabihin niya iyon.
"Napalaki ko at naipagpatuloy ang kumpanya dahil sa 'king kakayahan kaya hindi ako natatakot kahit batikusin ako ng nakararami. Hindi ko sinasabing hindi mahalaga sa 'kin ang pagtingin at paghanga niyo, ngunit mas kakayanin kong mawala ang lahat ng 'yon kaysa sa kanya," puno ng emosyon niyang saad 'tsaka tumitig sa camera.
"Siya ang buhay ko," pagdidiinan niya sa tinuran na salita, tila sinasabi mismo 'yon sa 'kin.
Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng aking mga luha habang pinagmamasdan ang pagod niyang mga mata. Doon muling pumasok sa isip ko ang mga katagang pinakiusap niya sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
RomanceR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...