Mendoza
Pagtawag ng isang malamig na boses mula sa speaker. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at inayos ang aking lamesa. This is now my daily routine.
"Grabe, ha, napapansin ko nitong mga nakaraan, trip na trip kang pahirapan ng boss natin," may panggigil na sabi ni Serah.
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ganyan talaga ang life minsan masarap madalas puro hirap." Pagsusumubok kong magbiro.
Napangiwi siya habang naiiling naman si Feya sa kanyang tabi.
"Hanga rin ako sa tatag mo, kung ako 'yan lilipat na ako sa ibang kumpanya," aniya.
I stood up from my seat and forced a smile again. "Wala naman kasi akong mataas na pinag-aralan kaya wala rin akong makikitang trabaho na malaki magpasahod katulad nito," mapait kong usal at namaalam na tumingin.
Naglakad ako patungo sa opisina ni Achetbir, kumatok muna ako ng tatlong beses at saka marahan na binuksan ang pinto. Nakita ko ang pag-angat ng seryoso n'yang mata sa akin nang idinuwang ko ang aking ulo. Slowly, I entered inside and closed the door.
Parang kailan lang hindi ako kinakabahan sa tuwing papasok ako rito, ngayo'y tila sasabog na ang puso ko sa kaba.
"Encode these files and submit it to me today," malamig na sabi niya at pabagsak na binitawan ang halos isang pulgadang papeles.
Tngna.
Palihim akong tumingin sa malaking relo na nakasabit sa kanyang opisina. Napahinga ako nang malalim nang nakita na mag-aalas tres na.
Mukhang mag-o-overtime na naman ako nito.
Imbis na magreklamo ay tahimik akong lumapit at kinuha ang mga papeles na tinutukoy niya.
"Ipagtimpla mo rin akong kape," pahabol niyang sambit nang tatalikod na ako sa kanya.
Magalang akong yumuko saka nagpatuloy sa paglalakad. I was about to open the door when it opened itself. Mula roon ay pumasok si Patriza, suot ang isang hapit na hapit na pulang bestida, nagsimula siyang maglakad papasok. Saglit pang nagtama ang aming paningin saka 'yon bumaba sa nagkakapalang papel na hawak ko.
She smirked, rolled her eyes, then walked past me. "Buti nga," she murmured mockingly.
Palihim ko naman siyang inirapan at hinabol ang nakabukas na pinto para hindi na ako mahirapan sa pagbubukas.
"Mendoza..." Achetbir called.
Lumingon ako sa kanya habang nakatukod ang aking siko sa pintuan para hindi magsara ang pinto.
"Gusto ko ng 3in1 na kape, doon ka bumili sa tindahan sa labas."
My mouth parted at what he said.
Ano raw?
Tinaasan niya ako ng kilay nang napansin ang reaksyon ko kaya naman dali-dali kong inayos ang aking sarili. "Noted, Sir," I answered and left the room.
Sabay na napaawang ang bibig nina Serah at Feya habang nakatingin sa 'king direksyon. Pabagsak kong ipinatong ang hawak ko sa ibabaw ng aking lamesa nang narating ko iyon.
"Mukhang malaki-laki ang sasahurin ko ngayong buwan."
Their lips both twitched at my sarcastic joke.
"Anong oras na, kailan niya naman balak ipapasa 'yan?" usisa ni Serah.
I combed my hair using my fingers and faked a smile. "Today."
"Tngna talaga sa 'yo na 'yang sahod mo, hindi ako magpapakamatay," histerikal na sambit ni Feya na mahina kong ikinatawa.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
عاطفيةR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...