CHAPTER 13

212K 7.2K 2.6K
                                    

Isang buwan na ang lumipas pero ganoon pa rin ang sistema naming dalawa ni Achetbir. Uutusan niya ako ng kung anu-ano at tatambakan ng sandamakmak na papeles sakaling wala na siyang maiutos na ipabili. Laking pasasalamat ko na lamang at nakahanda palagi sa pagtulong sina Serah at Feya.

Jandie, pumasok ka rito sa opisina.

Pagtawag ni Patriza sa speaker. Umirap ako at tiningnan ang mga kaibigan ko na salubong ang mga kilay dahil sa inis.

"Taray, ha. Feel na feel pagiging fiancee," singhal ni Serah kasabay ng kanyang pag-irap.

Tipid akong napangiti sa attitude niya at sinimulang linisin ang aking mesa. Ugali ko na 'to sa tuwing ipapatawag ako ni Achetbir o Patriza, ayaw ko kasi na iiwanan ko 'tong magulo o nakakalat. Napahigab naman ako pagkatapos kong itabi lahat ng aking gamit. Mukhang nagsisimula na namang umandar ang pagiging antukin ko.

"Kaya mo ba, Jandie?" nag-aalalang usisa ni Feya mula sa kanyang pwesto.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Puntahan ko lang ang isang 'yon," ani ko at saka sila tinalikuran.

Nasa isang conference meeting ulit ngayon si Achetbir kaya sinigla na naman sa pagrereynahan si Patriza. Gustuhin ko man siyang patulan minsan ay hindi ko magawa dahil alam ko na wala akong laban sa kanya. Isa lang akong sekretarya habang mapapangasawa siya ng boss ko. Trabaho ko ang pagsilbihan siya.

Pumasok ako sa opisina pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses. Nadatnan ko s'ya na prenteng nakaupo sa swivel chair ni Achetbir. Iba rin talaga kapag mayaman ka. Hindi mo kakailanganing pilitin ang katawan mo na kumilos para kumayod tulad na lamang ng isang ito.

"Ibili mo ako ng kape sa Circlebucks, pakidalian." Mataray na pag-uutos niya sa 'kin.

Tiniim ko ang aking bagang at palihim siyang inirapan saka yumuko. "Iyon lang po ba?" pormal kong tanong sa kanya.

"Samahan mo rin ng velvet cake, pakilagyan ng dedication na Happy Monthsary Love," aniya.

Napangiwi ako at nakaramdam ng guwang sa aking tiyan makailang saglit. Bigla ko kasing naalala ang mga dumaan naming anibersaryo at iba pa. Ni hindi ko man lang nagawa na bilhan siya ng kung ano tulad nang ginagawa ni Patriza.

Mapait akong ngumiti. Siguro nga ay talagang hindi kami itinadhana para sa isa't isa. Tama nga lang siguro na sa katulad niyang mayaman siya mapunta para masuklian lahat nang ginagawa niya.

"What else are you waiting for? Move already!" sigaw niya kasabay nang pagpaltik ng kanyang kamay sa ere.

Yumuko ako ng kaunti bilang pasensya at nagmadaling lumabas ng silid. Naglakad ako palapit sa aking mga kasama at tamad na umupo sa aking upuan.

"Huy, ayos ka lang? May masakit ba sa iyo?" magkakasunod na tanong ni Serah.

"Si Madam gusto ng Circlebucks coffee at dedication cake," sagot ko at napatampal na lang sa aking noo.

"Ano? Kakaiba rin naman talaga ang trip ng isang 'yon. Kay tindi ng sikat ng araw naisipan niya magkape," magkahalong asar at manghang sabi ni Serah.

Napailing ako at muling napahikab.

"Nako, umidlip ka na lang muna, Jandie. Ako na ang bibili nang iniutos ng bruhilda na 'yon." Tumayo si Feya mula sa kaniyang pagkakaupo.

Napakurap ako ng dalawang beses habang nakatitig sa kanya. Kahit si Serah ay tila gulat din sa narinig, papaano'ng hindi ay skin conscious ang isang 'to.

"Buntis ka rin ba, Feya?" wala sa sariling tanong ko.

"Siraulo! Paano ako mabubuntis ay wala akong boypren. Hindi rin ako napapa-check-up kaya walang semilya na biglang lalangoy sa matres ko. Hindi bale nalang kung nasa tubig iyon na ginagamit ko sa tuwing naghuhugas ako ng pwerta," mahabang wika niya.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon