CHAPTER 19

220K 6.7K 1.7K
                                    

"I-Inay," nauutal kong tawag.

"Tinatanong kita, Jandie," aniya.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Achetbir sa 'king braso na tila ipinaparamdam sa 'kin ang kaniyang suporta sa pamamagitan n'yon.

"Sa kwarto na lang po tayo mag-usap, Inay."

Umangat naman ang kaniyang isang kilay sa pagtataka. "Bakit pupunta pa tayo sa kwarto? Mas magandang pag-usapan natin 'to mismo habang magkakaharap tayo ng ama ng ipinagbubuntis mo," seryosong sabi ng aking ina.

Nahigit ko ang aking hininga kasabay nang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nangangatal akong tumuwid sa pagkakatayo at tumikhim para makapagsalita. Wala pa man ay naiiyak na ako sa sitwasyon.

"H-Hindi po siya ang ama," pagsisinungaling ko.

Gustuhin ko man na aminin kay inay ang lahat ay hindi ko 'yon magagawa sapagkat kasama rin namin si Achetbir. Nanlaki ang mga mata ni inay at bahagyang umawang ang kanyang bibig.

"Kung gano'n ay sino? Iyon bang malimit mong kausap sa telepono kapag nasa silid ka?" usisa niya.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang tumigil si Achetbir sa paghaplos sa 'king braso. Hindi ko man siya tingnan ay alam kong matalim na paningin ang ibinibigay niya sa 'kin sa mga oras na ito.

Si Caster ang tinutukoy ni inay, malimit siyang tumatawag para kumustahin ang kalagayan ko. Palihim ko 'yong sinasagot sa silid ni Blair dahil ayaw ko rin na magbago ang pakikitungo sa 'kin ni Achetbir. Pinagpapawisan ako ng malapot sa kaba at frustrasyon. Maluha-luha akong tumingin sa aking ina at tipid na tumango bilang tugon.

"Nagpabuntis ka ba sa iba habang magkarelasyon kayo ng lalaking 'to?" direktang tanong niya habang nakaturo kay Achetbir.

Laglag panga akong tumitig kay inay na seryosong-seryoso ngayon. "A-Ano po bang tanong 'yan?" balik na tanong ko.

"Hindi ako tanga, Jandie, para hindi maramdaman na may relasyon kayo ng iyong amo. Kaya naguguluhan ako kung paano ka nabuntis at hindi s'ya ang ama. Huwag mong sabihin na sa edad mong bente otso ay naisipan mo pang mamangka sa dalawa," diretyong saad ni Inay.

Pakiramdam ko ay mahihimatay ako ng wala sa oras. Alam kong hindi totoo ang kanyang paratang, ngunit sa mata ni Achetbir, sa mga nangyari sa 'ming dalawa ay iyon na nga ang masasabing katotohanan.

"We're not in a relationship," pagsingit ni Achetbir.

Tumingin sa kaniya ang aking ina at pinagkunutan siya ng noo.

"Inaasikaso ko lamang s'ya bilang pambawi sa mga atraso kong nagawa sa kumpanya. She almost lost her child because of the heavy works that I gave her."

Tila nilamukos ang aking puso nang narinig ko 'yon. Parang iyong isang bato na tumama sa 'king ulo para magising sa mga ilusyon na aking pinaniwalaan nitong mga nagdaang araw.

"I am also engage with someone else," walang emosyong wika niya.

Walang nagsalita sa 'min sa sumunod na mga segundo hanggang sa naagaw nang nag-iingay na telepono ni Achetbir ang aming atensyon.

"Sorry, I'll just take this call," paalam niya sa 'min nang nakuha ang telepono sa bulsa.

Simpleng tango lang ang ibinigay namin at saka siya tumalikod. "Patriza," I heard him spoke when he walked away.

Oo nga pala, hindi na siya sa 'kin.

"Mahal mo siya, hindi ba?"

Naagaw muli ni inay ang aking atensyon nang magsalita siya. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin kahit pa may kaunting pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon