"Where's my table?" nagtataka kong tanong sa dalawa kong kaibigan nang wala akong nadatnan na gamit sa 'king pwesto.
It's been two days since we got back here in Manila. Ngayong araw ako magsisimulang muli sa pagtratrabaho.
Am I fired?
"Nako, kahapon pa pinalipat ni Sir sa loob ng opisina niya," tugon ni Serah.
Umawang ang aking bibig sa narinig.
"Nagkaayos na ba kayo?" pang-uusisa ni Feya.
Mabagal naman akong umiling bilang sagot.
"Hala? Ano kaya'ng trip niya ngayon?" naniningkit na bulaslas ni Serah.
"Hindi kaya nalaman n'ya na tinutulungan niyo ako kaya pinalipat niya 'yong table ko sa loob para masigurado na ako ang tumatapos sa lahat ng trabaho?"
Sabay na napatakip ang dalawa sa kanilang bibig at bahagyang nanlalaki ang mata.
"Naku! Girl, baka nga tama ang hinala mo. Lalo na this past few days sobrang grumpy niya," saad ni Feya.
My lips twitched at her statement. "Kailan ba hindi naging masungit 'yon?"
"Kung alam mo lang, Jandie. Nitong nakaraan mula nang bumalik s'ya sa isang business project ay trumiple ang pagka bipolar n'yang ex mo," mahinang bulong ni Serah.
Nalukot naman ang aking mukha sa narinig.
Business project? Kailan pa ako naging proyekto?
Miss Mendoza, come here in my office.
Wika nang malamig at malalim na boses ni Achetbir sa speaker. Nakagat ko ang aking labi dahil hindi ko inaasahan na sa loob ng dalawang araw ay hahanapin ko ang boses niya kahit pa hindi iyon nagpadama ng emosyon.
May pag-aalala naman akong tiningnan ng dalawa kong kaibigan.
"Sabihan mo kami kapag minaltrato ka n'ya ha. Magrereklamo tayo sa Department of Labor," usal ni Serah sabay haplos sa 'king braso.
Tipid ko naman siyang nginitian. "Don't worry, I can handle this. Kapag talagang nahirapan na ako ng sobra sa pinagagawa n'ya ay kusa akong magre-resign," ani ko at saka humawak sa 'king tiyan.
"We're here for you, Jandie, at saka ano pang saysay ni Fafa Fuerocii 'di ba?" humagikhik na wika ni Feya.
I rolled my eyes and fixed my clothes. "Stop shipping us together. We're just friends, break the stigma that opposite genders can't be close without giving malice," saad ko.
Their mouth formed an O as they clapped their hands slowly in the air.
"Nagbibiro lang kami, Jandie. Gaga ka, syempre hindi kayo pwede kasi sa 'kin siya," wika ni Feya na may kasamang landi nang nakabawi.
Napailing ako at napangiti sa kalokahan niya.
"Hala, chika pa. Nakakalimutan mo 'atang may tigreng nagtatawag sa 'yo," eksahiradang sambit ni Serah.
Nanlaki ang aking mga mata nang naalala ang dapat kong gawin. "Shocks!" I exclaimed, and turned against them.
Nagmadali akong maglakad patungo sa opisina ni Achetbir. Parang hinahalukay ang aking tiyan sa kaba pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses sa pinto. Marahang kong pinihit ang segundura niyon at saka idinungaw ang kalahati ng aking katawan. I saw him seriously sitting on his swivel chair. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay nang nakita ang mabagal kong pagkilos. Nilunok ko ang nagbabarang hangin sa 'king lalamunan at tuluyan nang pumasok sa loob.
Tama ang sinabi sa 'kin ng mga kasama ko. Nasa gilid ng bungad ng pintuan ang aking lamesa, naningkit ng bahagya ang aking mata saka 'yon unti-unting nanlaki nang nabasa ang patatsulok na bagay na nakapatong doon.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
RomanceR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...