CHAPTER 5

216K 6.5K 2K
                                    

Oras na ng uwian ngunit hindi pa rin ako nag-aayos ng lamesa ko.

"Uy! Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Serah.

Kanina pa nila ako sinusubukang kausapin, ngunit hindi ko sila pinagtutuunan ng atensyon. Hilaw akong ngumiti at tumango saka muling napatitig sa pintuan ng opisina ni Achetbir. Naghihintay.

Mula kanina ay hindi pa siya lumalabas doon. Ni hindi ko rin napansin kung nagpahatid ba siya ng tanghalian sa loob. Nakaalis na ang kaniyang ina at si Patriza ilang minuto pagkatapos kong lumabas noong umaga. Iniwanan pa nila ako nang matalim na tingin at saka tuluyang naglakad paalis.

Malungkot na tumingin sa akin si Feya. "Minura ka na naman ba?" Sabay haplos sa likod ko.

Marahan akong umiling at tiningnan sila. "Okay lang ako. Medyo nagdamdam lang ako sa ginawang pagmumura sa akin ni Sir," palusot ko sa kanila.

Nag-aayos na ng kanyang gamit si Serah nang balingan niya ako ng tingin. "Hindi ka pa ba uuwi? Dati palagi kang nauuna sa amin, ngayon naman ay parang wala kang balak umalis," pang-uusisa niya.

Sa'n nga ba ako uuwi?

Ngumiti ako at nagsimulang magsalansan ng mga papeles na nasa lamesa ko. "Uuwi na rin ako. Nag-iisip lang," tugon ko.

"Naku! Hayaan mo na si Sir. Kung anuman ang sinabi niya sa iyo ay palipasin mo na lang. 'Wag mong damdamin. Sa industriya talagang pinagtatrabahuhan natin kailangan nating magtiis," pagpapalubag-loob sa akin ni Feya.

"Tama," mabilis na wika ni Serah bilang pagsang-ayon.

Ngumiti ako sa kanila.

Bahala na. Saka na ako mamomroblema kapag pinaalis na niya ako sa kanyang condo.

"At saka ikaw, ha. Hindi mo naman sinabi na si Mr. Fuerocii pala ang jowa mo," kinikilig na pangangantyaw ni Feya sa akin.

Nangunot ang aking noo sa sinabi niya.

Fuerocii?

Sino 'yon?

"Aaaack! Grabe 'yong yakap moment niyo, girl. Nakakaubos ng hininga sa kilig," gatong na sambit ni Serah.

Do'n pa lang pumasok ang isang ideya sa isip ko. Fuerocii pala ang apelyido n'ya, hindi man lang ako nakapagpakilala nang maayos. Basta na lang ako kumalas sa kanya at nagpasalamat saka mabilis na bumalik sa aking pwesto kanina. Nakakahiya.

"Sige na, mauna na ako," pilit ngiti na pamamaalam ko sa kanila.

Tulad ng normal kong ginagawa ay nagtawag ako ng sasakyan at nagpahatid sa building kung saan naroon ang condo unit ni Achetbir. Nakiramdam pa ako sa guard kung sakaling pipigilan niya ako sa pagpasok pero isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin tulad ng kanyang ginagawa no'ng nakaraan.

Wala sa sarili akong sumakay ng elevator at pinindot ang tamang palapag. Hindi ko maiwasang isipin kung paano na kaming dalawa ngayon. Sekretarya niya ako kaya araw-araw kaming magkikita sa opisina. Hindi naman ako pupwedeng mag-resign sa trabaho dahil ako ang sumusuporta sa 'king kapatid sa pag-aaral.

Gustuhin ko man na umalis ay hindi pwede. Sa educational background ko pa lamang ay babagsak na ako kahit pa may experience ako ng ilang taon sa kumpanya. Napabuntonghininga ako at lumabas nang bumukas na ang elevator. Naglakad ako patungo sa unit at pinindot ang password ng pinto. Madilim at tahimik na pamamahay ang sumalubong sa akin. Sa isang iglap ay tuluyan ko nang naramdaman ang lungkot at sakit.

Mula ngayon ay paniguradong marami ang magbabago sa aming dalawa.

Malumbay kong inalis ang suot kong heels at naglakad patungo sa sofa nang hindi binubuksan ang mga ilaw. Basta na lang ako umupo roon at tulalang tumitig sa labas ng glass wall kung saan nakikita ang liwanag ng buwan at mga ilaw nang matatayog na gusali. Pumasok muli sa isip ko ang mga nangyari kagabi, kung paano kami nagtalik at ipinaramdam ang aming pagmamahal sa isa't isa hanggang sa kung paano 'yon kabilis na naglaho kaninang umaga.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon