"Hey," a soft voice spoke as I felt a gentle touch on my face.
Marahan kong iminulat ang aking mata at natagpuan ang maamong mukha ni Achetbir. I roamed my eyes and found myself lying down on my bed. Mabilis akong bumangon at nahihiyang tumingin sa kaniya.
"Sorry, Sir. Pinahirapan ko pa kayo sa pagbubuhat sa 'kin," ani ko habang palihim na nilalaro ang aking daliri sa kamay.
"It's okay. Paalis na rin ako, ginising lang kita dahil baka hindi ka pa kumakain. I already prepared your food at the kitchen," he said softly.
Magkahalong gulat, pagtataka, saya at pait ang aking naramdaman ng sandaling 'yon. "S-Salamat po," iyon nalang ang aking nasabi dahil sa kawalan ng salita at kalituhan sa kaniyang ginagawa.
I know he's doing all of this to clean his conscience, but I couldn't help to feel overwhelmed by the way he cares for me... for our baby.
Lumayo siya ng bahagya sa 'kin at saka tumikhim. "Alis na 'ko," pamamaalam niya.
Tumingin ako sa kaniya at napalunok sa intensidad ng kaniyang mata. "Ingat po kayo," paos kong sambit.
He just stared at me, then licked his lower lip. "I should leave now," aniya na tila hindi 'yon sa 'kin sinasabi kundi sa sarili niya.
"Yeah," I murmured weakly and averted my eyes.
Ilang segundo ang lumipas ay wala pa ring kumikibo sa 'ming dalawa.
"Jandie..."
Napatingin akong muli sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko sa malambing na tono. Sa unang pagkakataon pagkatapos naming maghiwalay ay ngayon niya lang ulit nasambit ang pangalan ko kaya naman panay ang kabog ng dibdib ko sa kaba.
Our eyes locked with each other, trying to read our soul with it.
"Can I have you back? I am willing to be the father of your child even though it's not mine. Just... come back to me. Please..." Namumungay na mata niyang pakiusap.
Parang may malaking bato na biglang nagbara sa 'king lalamunan pagkatapos kong marinig ang mga salitang 'yon mula kay Achetbir. Hindi agad ako nakasagot o nakaimik, tanging pag-iwas ng tingin lamang ang aking nagawa.
Napatigil ako sa 'king paghinga nang hawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "Please, babe," he pleaded with his shattered voice.
My eyes clouded in tears. I felt how suffocating our situation was. I badly wanted to be with him, raised our child together, but I can't. We can't.
Naroon ako sa bawat tagumpay niya sa ilang taon kong nagtratrabaho sa kumpanya. Nakita ko ang paghanga at paggalang ng mga tao dahil sa mga nakakamit niya. Hindi ko masisisi ang kanyang ina kung bakit ayaw niya sa akin dahil talagang ikasisira ng pangalan ni Achetbir ang pakikipag-ugnayan sa akin. Naging saksi ako kung paano siya pinagkaguluhan ng mga kasamahan ko sa trabaho noong pumutok ang balita tungkol sa amin. Kung paano siya muntik masira sa isang iglap. Isa lamang akong hamak na sekretarya, wala akong pangalan na dinadala, wala akong kumpanya na katulad ng mga babaeng nali-link-in kay Achetbir.
"I-I'm sorry," I barely manage to say without looking at him.
Narinig ko ang pagak niyang pagtawa sa kabila nang pagkabasag ng kaniyang boses. "Do you really love him that much?" puno ng pait niyang tanong.
I love you this much.
"Yes," walang emosyon kong tugon, pilit nagpapakatatag sa aking desisyon.
Hindi naman siya umimik pa. Nanatili ang katahimikan sa 'min hanggang sa naramdaman ko ang pagtayo niya.
"Don't worry, this would be the last time I'll bring up about us. Maybe, I really should move on this time. Mali ako ng minahal na babae," aniya sa malamig na boses.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
RomanceR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...