"Jands. Uy, Jandie."
Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking balikat. I opened my eyes slowly and saw Serah curiously looking at me.
"Okay ka lang?" may pag-aalala niyang tanong.
Nangunot naman ang aking noo at saka unti-unting pumasok sa aking isip ang lahat. Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa aking relong pambisig. Ang trabaho ko!
"Fvck!" mahinang pagmumura ko nang nakita na malapit nang mag-uwian.
"This past few weeks palagi ka na lang inaabot ng antok dito sa opisina. Nagpupuyat ka ba?" kuryosong tanong ni Feya.
Mabilis kong inayos ang mga natitirang papeles sa aking lamesa at binuhay ang aking PC upang i-encode 'yon.
"Hindi ko rin alam kahit ako naninibago sa sarili ko, hindi naman ako nagpupuyat," sagot ko habang nanatili ang tingin sa aking kompyuter.
"Baka naman bumababa ang dugo mo kaya ka nagiging antukin," sambit ni Serah.
Nagkibit-balikat ako at kagat-labing nagtipa nang mabilis. "Mabuti na lang at hindi lumalabas si Achet—" I heaved a deep breath because I almost called him by his name again. "Boss sa kanyang lungga kung hindi lagot ako," mahinang bulong ko.
"Talaga!" mabilis na pagsang-ayon ng dalawa.
Ramdam ko pa rin ang kagustuhan kong matulog ngunit pinigilan ko ang aking sarili na magpadala. Bukod sa may mga nag-aantay sa aking trabaho ay naroon ang takot sa aking dibdib na madatnan ni Achetbir.
Baka hindi lang maging tigre ang isang iyon, halimaw na.
Hindi na muli ako nakipag-usap sa dalawa kong kasama upang mamadali ang aking ginagawa. Luckily, Achetbir didn't gave me a bunch of files this time. Natuon ang kanyang pagpapahirap sa pagpapabili sa akin ng kung anu-anong bagay sa tindahan sa labas. Minsan hindi ko maiwasang mag-isip na magdala na ng stocks at magtayo ng groceries store rito sa departamento para sa akin na siya bumili, bwiset.
Come here.
His deep baritone voice lingered in the speaker.
Napahinga ako nang malalim at saka inayos ang aking lamesa.
"Hanga rin naman talaga ako sa isang 'yan. Hindi nga nangangaltas ng sahod, nangangaltas naman ng pangalan," Feya murmured.
I chuckled at her statement. Napansin ko rin 'yon, habang nagtatagal ay unti-unting nawala ang pagiging pormal niya sa akin. Mayroon mang munting kirot na idinudulot iyon sa aking sistema ay pinipili ko na lang na huwag pagtuunan ng atensyon.
"Sige na, pumunta ka na, ako na ang tatapos nito para makasabay ka sa 'min umuwi." Itinaboy ako ni Serah.
Tipid akong ngumiti at nagpasalamat bago tumayo. Naglakad ako patungo sa opisina ni Achetbir, tulad ng normal kong ginagawa ay kumatok muna ako ng tatlong beses saka pumasok sa loob.
I bowed my head before looking at him. "Ano po'ng maipapaglingkod ko, Sir?" magalang at pormal kong tanong.
"Bilhan mo ako ng turon sa labas, 'yong bagong luto."
Kung dati-rati ay nagugulat ako sa kaniyang mga utos, ngayon ay inaasahan ko na ang lahat ng ito.
Turon naman ngayon ang trip niya. Kaunti nalang ay iisipin kong nagpapraktis na siyang maging mahirap.
"Iyon lang po ba?" Wala sa sarili akong napahawak sa segundura ng pinto na nasa aking likuran nang bigla akong atakihin ng pagkaliyo.
Saglit akong pumikit at mabilis na nagmulat para hindi niya mapansin ang aking sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
RomanceR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...