CHAPTER 21

228K 6.6K 1.5K
                                    

"Fix your things, we'll be going somewhere," utos ni Patriza nang nakarating ako sa kaniyang harapan.

Hindi ako nakakilos sa gulat at pagtataka.

"Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa mapapangasawa ko na kasama kita kaya bilisan mo nang kumilos," dagdag niya sa iritadong tono.

Walang salita akong pumasok ng opisina at kinuha ang aking bag. Sumunod ako sa paglalakad ni Patriza hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng gusali. Pagkatapos niyon ay sumakay kami sa nakaabang n'yang sasakyan, gustuhin ko man na tanungin siya kung saan kami pupunta ay sinarili ko na lamang iyon.

Napaayos ako mula sa aking pagkakaupo nang natanawan ang pamilyar na daan patungo sa bahay nina Achetbir. Mabibilang ko sa aking daliri kung ilang beses lamang ako nakarating doon, pero dahil matalas ang memorya ko ay nakabisa ko ang nadaraanan namin noon.

Nagsimulang mangarera ang tibok ng aking puso kasabay nang pamamawis ng aking kamay nang tuluyan na kaming pumasok at tumigil sa harapan ng kanilang mansyon.

"Let's go," mataray na sambit ni Patriza at nauna sa pagbaba ng sasakyan.

I heaved a deep breath and composed myself before getting off from her car. Mabagal akong sumunod sa maarte niyang paglalakad. I froze a bit when I saw Achetbir's mother waiting for us, or should I say waiting for Patriza. Nagbeso-beso pa sila bago ako sabay na tiningnan.

Mrs. Villa Forca smirked while looking at me from head to toe then rolled her eyes before holding onto Patriza's arm. "Kapag mukha nga namang pera magpapabuntis agad. Oh my ghosh! Good thing my son was not the father," pagpaparinig niya 'tsaka nila ako tinalikuran.

I just bit my lower lip and chose to ignore her hurtful words. Hilaw na lamang ako na ngumiti at marahan na hinaplos ang aking tiyan. Inaalo ang batang nasa sinapupunan ko.

"Sana naiintindihan mo ang desisyon ko, anak," bulong ko at sumunod sa future na magbyenan.

Nangunot ang aking noo sa nadatnan na kabahayan. Kung dati-rati ay nangingintab na sahig ang sasalubong sa 'yo at matitingkad na kulay ng palamuti ngayo'y tila nadaanan ng bagyo ang buong mansyon. Napalunok ako at ilang beses napakurap sa ideyang pumapasok sa 'king isip.

"Ano'ng tinatayo-tayo mo riyan? Magsimula ka nang maglinis. 'Wag kang mag-alala at malaking pera ang ibibigay ko sa 'yo pagkatapos," walang emosyon na wika ng ina ni Achetbir.

Hindi ako agad nakasagot. Ilang beses akong huminga nang malamin para pagaanin ang nagwawala kong kalooban. Masama ang loob ko pero ano nga ba ang magagawa ko?

Empleyada ako ng kumpanya nila. Pamilya nila ang nagpapasahod sa akin. Maaaring hindi ito parte ng trabaho ko pero siya pa rin ang ina ng lalaking minahal ko. Hindi niya man ako nirerespeto, ako naman ay mataas ang pagtingin sa kanya. Naiintindihan ko ang galit niya, bilang isang ina ay gugustuhin mo kung ano ang makabubuti para sa anak mo kahit pa halos bulag ka na sa paligid mo.

Tumikhim ako at desididong tumingin sa nanay ni Achetbir. "Nasaan po ang mga panlinis?" magalang na tanong ko.

Agad naman siyang nagtawag ng isang katulong at dinala sa 'kin ang lahat ng kakailanganin kong panlinis.

"Let's go, Tita. Mag-relax na muna tayo sa pool area." Ikinawit ni Patriza ang kaniyang braso sa ginang at inaya siyang umalis.

Hindi naman umimik pa ang ina ni Achetbir at nagpadala na lamang sa pag-akay ni Patriza patungo sa gustong lugar. I gave out a deep breath when they're finally gone. Muli kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng tanggapan—puros putik at may mangilan-ngilang dahon sa sahig. Bagay na kahit bobo na nilalang ay maiisip na sinadya ang lahat ng ito.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon