CHAPTER 14

210K 6.6K 1.1K
                                    

"HINDI MO BA MAGAWA NANG MAAYOS ANG TRABAHO MO?!"

Malakas na sigaw sa 'kin ni Achetbir habang naliligo sa kape ang iba't ibang papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya. Napayuko na lang ako at nakagat ang aking ibabang labi para mapigilan ang nagbabadya kong luha.

"Sorry po, Sir," I murmured.

Aksidente ko kasing natabig ang kapeng ipinatong ko sa gilid ng mesa niya dahil sa biglang pagsumpong ng liyo ko. Simula noong dinal'han ako ni Caster ng mangga ay lalo siyang nanlamig sa akin, mas lalo ring dumami ang kaniyang mga pinagagawa kaya hindi nakakapagtaka na madalas akong maliyo ngayon. Hindi lamang dahil sa aking pagbubuntis kung hindi sa pagod na rin.

"You fvcking ruined everything!" he yelled.

Mariin kong kinurot ang aking daliri habang nanatili na nakayuko.

"Labas!"

Marahan ko s'yang tinalikuran. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngisi ni Patriza mula sa sofa habang prente s'yang nakaupo roon.

I left the office with a heavy heart. This is the first time he shouted at me, for real. Parang nilalamukos ang puso ko sa sakit habang inaalala ang pagsigaw niya.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Serah.

Pinilit kong ngumiti ngunit nagsimulang magtuluan ang mga luha ko. Mabilis naman silang nasitayuan sa kanilang upuan at dinaluhan ako.

"H-Hindi ko alam kung sino bang dapat na sisihin ko..." panimula ko sa gitna ng aking paghikbi.

Feya caressed my back while Serah wiped my tears.

"Ano ba'ng nangyari? Pinagalitan ka ba?" mahinahong pagtatanong ni Feya.

Tumango naman ako bilang sagot. "I accidentally spilled his coffee due to my dizziness," pagkukwento ko.

"Napapadalas na ang liyo mo, Jandie. Baka mapaano na kayo ng baby mo," nag-aalalang sambit ni Serah.

Marahan naman akong napahawak sa aking tiyan kasabay ng munting takot sa dibdib ko.

"You should file a leave for few days. Magpahinga ka muna bago ulit pumasok," suhestyon ni Feya.

Tanging tango lang ang aking nagawa. Naiintindihan ko ang kanilang punto. Kahit ako ay nag-aalala na rin sa kalagayan ng anak ko.

"Ni hindi ka pa ulit nakakapagpatingin sa doktor. Asikasuhin mo muna ang sarili at anak mo ngayon bago ka bumalik dito sa kumpanya," Serah said.

For the nth time, I answered them with a nod. Wala ng ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang kalagayan ng batang dinadala ko. Ang kanina kong hinanakit ay napalitan ng pagkabahala at pangamba.

"Sige na, umupo ka na muna at magpahinga." Marahang umalalay sa 'kin si Feya.

I took a deep breath and composed myself. Hindi ko pwedeng pairalin ang labis kong emosyon. Maaaring ikapahamak ng anak ko ang sobrang pag-iisip.

"Umidlip ka na muna. Kami na ang bahala sa mga papeles na 'to," pagtukoy ni Serah sa nasa gilid kong gawain.

"Salamat," sinsero kong sabi sa kanila.

Tinapik naman nila ako sa balikat at tipid na nginitian.

"Sagot ka namin,"'sabi ni Feya sabay tapik sa kanyang dibdib.

Nalukot naman ang mukha ni Serah sa kanyang ginawa at mahina s'yang binatukan.

"Kung anu-ano natutunan mo sa social media, trabaho na, oy!" singhal niya rito.

I let out a soft laugh and wiped my remaining tears.

"Chee! May bayad ito 'no? Si Fafa Fuerocii," anas ni Feya sa malanding tono at saka ako kinindatan.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon