"Ate." Sinalubong ako ni Blair ng yakap nang nakapasok ako sa silid na inuukupa nila.
"Kumusta si Inay? Ano'ng sabi ng doktor?" tanong ko at saka tumingin sa aking ina na mahimbing na natutulog sa hospital bed.
"Tulad pa rin ng dati, ate. Kailangang bantayan ang kaniyang pagkain pati mga maintenance na gamot," aniya.
"Wala bang komplikasyon dahil sa atake niya?" Umupo ako sa upuan na nasa gilid ni Inay at maingat na hinawakan ang kaniyang kamay.
"Awa naman ng Diyos ay wala," tugon niya.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang nasiguradong magiging maayos ang aking ina.
"I'll just talk to the doctor," pagkuha ni Achetbir sa aking atensyon.
I looked at him and nodded. "Thank you, Sir," sinsero kong wika.
Tinanguan niya lang din ako saka tumingin sa aking kapatid at namamaalam na yumuko.
"Siya ba ang boss mo, ate?" kuryosong usisa ni Blair nang nakalabas na si Achetbir ng silid.
"Hmm," tipid kong himno bilang tugon at itinuon ang atensyon kay Inay.
"Paano ka nga pala nakauwi agad, ate?"
Nakagat ko ang aking labi nang naalala kung paano kami nakarating agad dito sa ospital ng walang kahirap-hirap.
"Sumakay kami sa helicopter. Diyan kami lumapag sa ibabaw ng gusali," pahina kong usal.
Narinig ko ang histerikal na pagsinghap ng aking kapatid at mabilis na lumapit sa akin. "Boypren mo ba siya, ate?" nakaawang ang bibig ni Blair nang itanong niya 'yon.
Tila may nagbara sa aking lalamuna at malalim akong napahigit ng hininga. "B-boss ko nga, 'di ba?" pagdepensa ko.
Oo, boyfriend ko siya... noon.
Napanguso naman siya at lumayo ng bahagya sa akin. "Sayang. Bagay pa naman kayo, ate." Mahina siyang umirit na animo'y kilig na kilig.
My lips twitched. "Bagay? Saan ang bagay roon? Bilyonaryo siya habang isang hamak na sekretarya lamang ako," mapait kong wika.
Nakatanggap naman ako ng mahinang hampas sa aking balikat dahilan para samaan ko siya ng tingin.
"Ang baduy, ate, ano teleserye lang? Nagpapaniwala ka roon?" she asked and sat on the rectangular couch.
"Reyalidad iyon, Blair. Masisira ang pangalan ng isang tulad niya sakaling maugnay sa kagaya ko," ani ko.
Nangunot naman ang kaniyang noo at pinakatitigan ako. "May boypren ka bang mayaman ate?" nanunuri niyang tanong.
Napipilan ako at napaiwas ng tingin. "Wala," tugon ko sa pinatibay kong boses.
"Daig mo pa kasi relate na relate," aniya.
Sininghalan ko siya at inirapan ng tingin. "Sinasabi ko lang sa iyo ang reyalidad ng buhay, Blair. Ang isang katulad ko ay hindi kailanman tutugma sa isang bilyonaryong katulad ni Achet—Boss. Hindi ka makakalaban pagdating sa pataasan at hindi mo rin siya maiaangat kapag nalugmok sa putikan ang kaniyang pangalan. Hindi katulad ng mga mayayaman na katulad niya na sa isang pitik lang sa media at konting arte ng pagmamahal ay lilinis na at babango ang kaniyang imahe," mahabang lintanya ko.
"Whoooa! Kalma, ate. Ako lang 'to, si Blair, ang kapatid mo. Hindi ako si idol Raffy," pagbibiro niya sa akin.
"Siraulo," singhal ko at pinaikutan siya muli ng mata.
"Ay, taray mo ngayon, ha. Ginaganyan mo na ako, hindi mo na ako mahal?"
"Nako! Jesusa Blair, tantanan mo ako."
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)
RomanceR18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life had been peaceful not until she found out she was carrying his boss's child. It was a serious issue f...