Third Person's POV
(Psarhian's dream)
Habang natutulog...napapahigpit ang hawak ng siyam sa kanilang higaan at pinagpapawisan na rin sila. Malamang sa malamang ay nananaginip na naman sila ng masama at ang nakakahanga rito ay konektado ang kanilang mga panaginip.
"Rhian anak! Kailangan mo ng tumakbo!" Sigaw ng pinaka-mamahal na ama ni Psarhian. "Dad,ayaw kitang iwanan dito." Naiiyak na sambit ni Psarhian. Tumulo na rin ang luha ng kanyang ama. "Rhian,I know you're brave,daddy's right,diba?" Pero humagulgol lang sa iyak si Psarhian.
"Anak,listen to me" sambit ng kanyang ama sabay hawak sa magkabilang pisnge nito. Ngumiti ng matamis ang kanyang ama. "Iligtas mo ang sarili mo,I'm sure nasa labas na sina Zyllen,diba gusto mong makipag-sleep over sa kanila?" Tanong nito pero umiiyak parin si Psarhian.
"Pupunta kayo sa bahay nila Jeala,doon kayo matutulog ng sabay-sabay. Ang paggising mo,makikita mo ulit si dad okay?" Pangungumbinse nito sa bata na tumango-tango naman.
Ngumiting muli ng matamis ang kaniyang ama sabay yakap sa anak,dinadama ang huling yakap nito sa kanyang anak.
(Zyllen's dream)
Naguguluhan si Zyllen sa nangyayari ngayon. Nasisilayan niya ang mga taong naka-handusay sa sahig at naliligo sa kanilang sariling dugo.
"M-mommy?" Tawag nito sa kanyang ina. Nasa hotel sila ngayon dahil dito ginanap ang kanyang ika-sampung kaarawan.
"Mommy? Nasaan ka?" Naiiyak na tawag nito sa ina pero 'di niya ito makita.
Naglakad siya papalapit sa lugar kung saan ginanap ang party. Nakarinig siya ng malakas na putok ng baril kaya napatakip siya sa kanyang tenga.

BINABASA MO ANG
Lucky NINE
RandomIt's the story of nine girls who were forced to use deadly weapons for their safety against their evil tito Dreico Dreico owns allot of companies and the second most powerful in the mafia world The gilrs had no choice so what will they do? Will they...